Ang Maalindog na Charlie Wade ay isang urban drama web novel na nagpapatuloy sa kasalukuyan. Ito ay isinulat ni Lord Leaf at mayroong 4436 na kabanata at humigit kumulang 3.5 milyong pagbasa sa platform ng GoodNovel. Ito ay nakasulat sa wikang Filipino at walang dudang isang sikat na libro para sa mga mambabasang Pilipino.
Ang kwento ng libro ay tungkol kay Charlie Wade, ang manugang na nakatira sa bahay ng kanyang asawang si Claire. Dahil sa ordinaryo niyang pamumuhay at estado sa buhay, kinamuhian siya ng pamilya ni Claire at hindi itinuring na kapamilya. Ngunit, hindi nila alam na mayamang tagapagmana si Charlie mula sa isang napakamakapangyarihang angkan.
Sa kalagitnaan ng kwento, mas maraming pagsubok ang kahaharapin ni Charlie na magpapatibay sa kanyang karakter. Ngunit, makakaya niya kayang lampasan lahat ng mga pagsubok na ito? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang mga binabalak? Alamin ang nga kasagutan sa Ang Maalindog na Charlie Wade.
Nang si Charlie at Claire ay ikinasal, lumipat si Charlie sa bahay ni Claire upang mamuhay sila nang magkasama. Hindi ito ikinatuwa ng pamilya ni Claire at ipinaramdam nila kay Charlie na hindi sila masaya na siya ang napangasawa ni Claire. Tiniiis ni Charlie ang pang-aapi ng pamilya ni Claire dahil na rin sa pagmamahal niya sa kaniyang asawa.
Ang hindi alam ng pamilya ni Claire ay isang tagong tagapagmana si Charlie ng isang makapangyarihang pamilya. Nang hindi na matiis ni Charlie ang pangmamalupit ng pamilya ni Claire ay ipinangako niyang maghihiganti siya sa kanila at sa mga taong nanakit sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng kwento, patuloy na hinarap ni Charlie ang mga pagsubok sa kaniya at ang pagmamalupit ng pamilya ng kaniyang asawa.
Ang mga karakter ng nobela ay pinapangunahan nila Charlie at Claire. Kilalanin ang mga karakter nila sa mga paglalarawan sa ibaba.
Charlie
Si Charlie ay ang tagong tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan. Siya ay naninirahan sa bahay ng kaniyang asawa. Siya ay isang mapagmahal na asawa at malupit na kaaway. Siya rin ay may itsura, nakakabighani, at tunay na matalino.
Claire
Si Claire ay isang matalinong babae. Siya rin ay isang mabuting maybahay. Noong ikinasal siya kay Charlie ay ipinaramdam ng kaniyang pamilya na siya ay hindi na kabilang sa kanila. Pinilit nilang ihiwalay siya kay Charlie ngunit naging mas matatag siya at mapagmahal sa kanyang asawa.
Maraming mga kapana-panabik na mga kaganapan sa nobela, ngunit ang mga kaganapang nasa ibaba and aming pinakanagustuhan.
Sa kaganapang ito, mapapansin ang pagkahumaling ng lola ni Claire kay Ginoong Jones. Dagdag pa rito, mapapansin ang pagnanais niya na maging manugang ito. Ngunit mariing tumutol si Claire at nagpakita ng kanyang matinding pagmamahal kay Charlie.
Ito ang isa sa mga malukungkot na eksena sa nobela. Makikita rito ang hindi pagkilala kay Claire ng kaniyang sariling pamilya.
Maraming tema ang nobela ngunit ang paghihiganti at pagbabalik-loob sa kabutihan ang pinakanamumutawing mga tema ng libro. Mapapansin din ng mga mambabasa ang mga temang pag-ibig mula sa masidhing pagmamahalan ni Charlie at ng kanyang asawang si Claire. Dagdag pa rito, ang istorya ng nobela ay patungkol din sa relasyon ng pamilya.
Ang nobela ay isinulat ng isang manunulat na gumagamit ng username na Lord Leaf. Sa kasalukuyan, walang impormasyon patungkol sa kaniyang personal na buhay. Gayunpaman, sisiguraduhin naming sundan ang kaniyang mga nobela at ibahagi sa inyo ang mga makakalap naming balita tungkol kanya.
Ang nobela ay nasusulat sa ikatlong panauhan. Ang paningin na ito ay nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataon na makilala ang lahat ng mga karakter. Nagbibigay din ito ng pagkakataon sa mga mambabasa na malaman ang mga tagong iniisip at nararamdaman ng bawat tauhan sa kwento.
Ang paraan ng pagsulat ni Lord Leaf ay mapaglarawan. Siya ay matagumpay na nagpinta ng mga malilinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa gamit ang kaniyang mga salitang detalyado at puno ng kulay.
Gaya ng nabanggit namin, patuloy pa rin ang kwentong ito at hindi pa natatapos. Dahil dito, hindi pa namin maibabahagi sa inyo ang katapusan ng kwento.
Gayunpaman, sa kabanata 3398, makikita natin si Charlie na nagtagumpay sa pakikipaglaban sa Ten Thousand Armies. Pagkatapos ng labanan, ang pamilyang Wade ay nakaramdam ng masidhing takot kay Charlie. Hindi na rin nila napansin ang bombang hawak nila. Matapos ng laban, lumuhod ang Ten Thousand Arnies sa harap ni Charlie ngunit ang matandang nanginging sa takot ang kaniyang napansin.
Ang Maalindog na Charlie Wade ay isang nobelang nagkukwento ng mga pagsubok ng pakikisama sa pamilya at pakikipaglaban para sa pag-ibig. Ito ay isang nobelang nararapat para sa mga may-asawa at mga taong nagbabalak nang magpakasal. Para rin ito sa mga taong naghahanap ng nobelang madaling basahin at hindi nakakasawa.
Ang tanging hinaing lang namin ay ang napakahabang mga kabanata nito. Maaaring makaramdam ng pagod ang ilang mga mambabasa habang binabasa ang libro ito. Sa kabila nito, Ang Maalindog na Charlie Wade nananatiling isang nakakahumaling na nobela para sa mga mababasa na mahilig sa drama at kapana-panabik na mga kwento.
Samahan si Charlie sa kaniyang pakikipagsapalaran at paglutas sa mga pagsubok na kaniyang kinakaharap. Siguraduhing idagdag Ang Maalindog na Charlie Wade sa listahan ng mga librong iyong babasahin ngayong taon at mabighani sa alindog at kisig ni Charlie Wade.
Nagkakamali kayo ng Inapi ay isang urban na nobela, na isinulat ng may-akda sa ilalim ng pangalan ng panulat na
Nais mo bang magbasa ng librong may nakakahumaling na kwento at mga karakter? Kung ang sagot mo ay oo, Ang Maalindog na Charlie Wade ay dapat mong basahin!