Dahan-dahan siyang napatingin kay Felicia, biglang naging iba ang mood nito sa kay Felicia. "Uhmm... Little sister, gusto mo ba ng computer na kagaya nito kalaki o gadgets? B-Bibilhan kita." Nahihiyang napakamot na lang si Lucien sa batok nito na parang nahihiya. Hindi siya proud na nanalo sila sa laro dahil alam na alam niya na itong batang nasa tabi niya ang nagpanalo sa grupo nila. Sinasabi niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat makabawi lang kay Felicia. Hindi naintindihan ni Felicia kung ano ang nilaro ni Lucien na laro ngayon, pero alam na alam niya na malaki ang natulong niya sa kanya kaya hindi siya nagdadalawang isip na sumagot sa tanong niya na kung gusto ba niya ng computer o gadgets. "Oo, gusto ko ang mga iyon." Napangiti naman ng malaki si Lucien at binuhat niya si Felicia at inikot-ikot ito dahil sa tuwa. Matapos bihisan si Felicia ng katulong na tumulong sa kanya ay nag-aalala pa ring nakatingin ito sa kanya. "Sigurado ka bang walang ginawa na ma
Last Updated : 2025-04-11 Read more