Semua Bab Tempting the Uncle: A Deal of Desire: Bab 11 - Bab 20

32 Bab

Chapter 10: Surprise!

JALENE’s PovGARDEN wedding ang nais ng Don kaya masaya ako. Isa ’yan sa pangarap ko. Kahit na kunwarian lang ay masaya akong mararanasan ko ang bagay na ito. Fan ako ng mga garden wedding.“Natanong ni Lolo kung ano ba ang gusto mo, kaya ayan, garden wedding,” ani ni JV na ikinalingon ko sa kanya.Nasa bintana kami noon na dalawa at nasa mismong event place na. Salamin ang dingding kaya kitang-kita ang pagga-ganapan.“Kaya naman pala wish granted, beshy.” Ngumiti si JV pero nahalata ko ang lungkot sa mga mata.“Totoo na ba ‘to?”“Hello, kaya nga tayo nandito, e! Eh ‘di, totoo na.”“Dumating na si Kassandra. Nakita ako sa post niya nakaraan, kumain siya sa fine dining restaurant. May ka-holding hands pa siya. Sa tingin ko, si Uncle Frank ’yon.”Napakunot ako ng noo. “P-pero maghapon siya sa meeting niya kahapon. A-alam ko nag-out of town pa nga para i-meet ang client. ‘Yon ang narinig ko kay Tino.”Umiling si JV. Pinakita sa akin ni JV ang picture at naka-tag na restaurant. Talagang n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-31
Baca selengkapnya

Chapter 11: Untitled (Di ko na naman alam ilagay heheh)

JALENE’s Pov“You can take this spot beside me, Jalene.” Tinampal ni Kassandra ang tabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.“Salamat po, Auntie. Pero kung nasaan ang asawa ko, I think, doon ako uupo.” Sabay tingin kay Frank nang masuyo. Talagang pinagdiinan ko din ang salitang asawa.“Did you just call me Auntie?!” Halos manlaki ang mata niya nang tanungin niya ako.Tumango naman ako na parang inosente.“How could you call me Auntie?” Tumingin ito kay Frank na parang humihingi nang tulong. “Narinig mo ba ang tawag niya sa akin, honey? My God! Kailan pa ako nagmukhang Auntie?”“Just now,” panggagaya ko sa kaartehan niya.“Just call her Kassandra, Jalene!”Nameywang ako nang harapin si Frank. “Ilang taon na ba siya, huh?”“33?” sagot naman ni Frank.“Frank! I’m only 32! Pinantanda mo naman ako ng isang taon!” Pinaningkitan ni Kassandra si Frank ng mata. “Nakalimutan mo na ba?”“Oh, I’m sorry, honey.”“32 na pala, e! Kumapara naman sa edad kong 22?” Nagulat si Kassandra siguro dahil
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-01
Baca selengkapnya

Chapter 11.2: Kassandra

FRANK’s PovPAGDATING na pagdating ng chopper sa bahay-bakasyunan ko sa Palawan, agad akong nagbukas ng laptop para tingnan kung hindi nga ba lumabas si Jalene. Binilinan ko naman si Tino na kung lalabas ang batang iyon, e, samahan niya. Saka bawal kako makita ng tauhan ni Papa o ng kung sino man na malapit sa ama. Kunot ang noo ko nang hindi matanaw si Tino sa bahay. Hindi ko makita si Jalene dahil walang camera sa loob ng silid niya, sa pintuan lang. Kaya naman idinayal ko ang numero sa bahay, at ang nakasagot ay ang kasambahay ko.“Si Jalene, Manang?”“Ay, kasama po ni Senyorita si Tino. Ang paalam po, e, may bibilhin sa convenience store.”“Okay.”Akmang papatayin ko ang linya nang magsalita ulit ang matanda.“Ay, ayan na po yata. Narinig ko na po ang busina, e.”“Salamat, Manang.” Sabay patay niyon.“Sa labas lang ako, hon!” paalam mayamaya ni Kassandra sa akin.“Okay!” Hindi ko na tiningnan ang ayos ni Kassandra.Pinanood ko sa monitor ang dalawa. Napakunot ako ng noo nang makit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-01
Baca selengkapnya

Chapter 12: Climax

FRANK’s Pov“What is she doing here, Frank?” Halata ang inis sa mukha ni Kassandra pero binalewala ko. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang papasok.“Frank!” Tumigil ako at nilingon siya dahil bahagyang nagulat si Jalene. “Will you please shut your mouth muna? Magigising mo siya. Let’s talk later. Mabilis lang ako.”Binilisan ko na ang lakad ko bago pa magising si Jalene. Baka dahil sa kalasingan kaya madali siyang nakatulog. Sa bakanteng room, katabi ng silid nila ni Kassandra niya dinala ang dalaga. Malinis naman doon dahil iyon naman talaga ang dapat na magiging silid ni Jalene kung natuloy siya kasama kanina.Dahan-dahan ang ginawa kong paglapag kay Jalene sa kama. Hindi sinasadyang napatingin ako sa labi niyang napaawang. Napalunok ako dahil bigla siyang mag-pout.Mayamaya ay kumilos siya, kinamot niya ang bandang tainga kaya nagpasya na akong tumayo baka magising pa. Subalit bago pa man ako makaalis ay bigla na lang nagmulat siya.“Pati ba naman sa panaginip ko, pumasok ka, Fran
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

Chapter 12.1

JALENE’s PovNAKAPIKIT pa rin ako nang iangat ko ang braso ko iinat iyon. Parang ang sarap ng tulog ko dahil wala akong maramdamang katamaran sa aking katawan. Pero napamulat ako nang maalalang uminom nga pala ako kagabi. Napakapa ako sa noo ko.Himala, hindi ako mainit. Natigilan ako mayamaya nang may mapagtanto.“Teka, nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko nang makita ang kisame.Hindi iyon ang pintura ng aking silid!Napabalikwas ako nang bangon at inilinga ang paningin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking nasa harap ng laptop. Bagong paligo ito dahil basang-basa pa ang buhok niya. Kasalukuyan din niyang nilalaro ang mapupulang labi niya kaya napakagat ako ng ibaba ko ring labi.Grabe ang view, ang ganda talaga— este ang gwapo niya. Napansin siguro niya na gising na ako. Napunta sa akin ang tingin niya.“I’m glad you’re awake.” Kaswal na tumingin siya sa relong pambisig niya. “Kumain ka na dahil tatawagan mo pa si Papa.”Matagal bago nag-sync-in sa akin ang sinabi niya. Per
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-02
Baca selengkapnya

Chapter 13: Don't let your guard down

JALENE’s PovAFTER ng nangyaring iyon sa Palawan, bihira ko nang makita si Frank sa bahay. Pero si Kassandra, oo. Lagi niyang pinapansin ang mga pinaggagawa ko, as if siya ang nagbibigay ng pera sa akin.“Ano na naman ’yan?” tanong ni Kassandra matapos kong tanggapin ang parcel para sa aking silid.Hinayaan ako ni Frank sa aking silid, kung ano man ang gawin ko, pero heto, nakikialam si Kassandra.Hindi ko siya pinansin. Dinaanan ko lang siya pero hinabol niya ako at hinarang ang sarili.“What is that nga?”Sinalubong ko ang mga tingin niya bago tinanggal ko ang plastic. “O ayan, kita mo na? 3D self-adhesive wall panel!” Sabay lapit ng bahaging binutasan ko sa mukha niya. Muntik ko na ngang madikit sa putok na putok na mukha niya sa sobrang inis. Wala namang lakad pero naka-make up. Ang sarap tuloy ihampas itong makapal na wall panel. Mabigat din kaya siguradong himatay siya.“Ano ba ’yan! Bakit mo naman nilalapit sa mukha ko?! Eh, ang alikabok niyan!”“Eng-eng ka pala, e! Gusto mong
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 14: Dozed Off

JALENE’s PovHINDI ko naman alam kung saan ako pupunta kaya sa dati kong tinitirhan ako pumunta. Hindi ko naman binitawan iyon una pa lang. Alam kong ilang buwan lang siguro ako sa bahay ni Frank. Bumungad agad sa akin ang maingay na environment. Merong mga naglalaro, naglalaba, nagsusugal at nag-iinuman sa daanan. Nakaka-miss pala ang ganitong environment.Marami man akong naririnig na away at sigawan, masaya pa rin naman na tumira dito. Saka mga nakangiti ang mga kapitbahay niya. Masaya rin kausap. “O, Jalene! Kumusta ka na? Ang tagal mong nawala, a?” ani ng isang ginang na nakatira sa tapat ng bahay ko.“Ah, umuwi po ng probinsya! Tapos pansamantala rin po muna ako doon sa bahay ng Uncle ko!” Napangiwi ako sa huling dalawang sinabi ko.Ayoko namang ipangalandakan na may asawa na ako. Mas maigi iyon kasi kapag wala na ako sa bahay ni Frank, walang issue. Wala ring mang-aasar sa akin. “Kaya naman pala, e.”Maraming bumati sa akin kaya natagalan ako pumasok sa bahay. Pero pagdating
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 15: Personal Assistant

FRANK’s Pov“WE really need to talk, Frank. Hindi na maganda ang nakikita ko between you and that brat!”“I think so,” sagot ko kay Kassandra.Sumulyap ako sa silid ni Jalene bago sumunod sa nobya. Pagpasok ko, nakaupo na si Kassandra sa kama.“Mahal mo pa naman ako, ’di ba?”Tumango ako sa kanya, pero parang may isang tinig na sumisigaw sa aking isipan.“Then sundin mo naman ako this time. Please?” pakiusap ni Kassandra kaya napapikit ako.“A-anong balak mo?” Meron akong solusyon para hindi na iyon maulit, pero gusto ko munang marinig ang gusto niyang sabihin.“She can stay, but we’re going to move.”Napatitig ako kay Kassandra. Hindi iyan ang gusto ko. She will move. I mean, sa condo ko muna siya mag-stay hanggang sa matapos ang deal namin ni Jalene.“No, Kass. You will move. Kailangang magpokus muna ako sa problema ko ngayon. Kailangan kong ipakita kay Papa na totoo ang marriage na ito. Knowing him na maraming mata. Masasayang lang ang effort ko.”Natawa nang mapakla si Kassandra. “
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Chapter 16: Get out!

FRANK’s Pov“Sir, hindi ko po magagawa. Ang Don po mismo ang nag-refer kay Miss Roxton.”Napatigil ako sa paghakbang sa narinig. Nilingon ko si Lenny. “Kailan?”“Nakaraan po. Hindi ko na po nabanggit dahil alam niyo na po.”“What?!”“Opo.”Damn! Tumingin ako kay Jalene na nakangiti nang matamis.Hindi kaya siya ang nag-request? Kasi naman, hindi nakikialam si Papa simula nang palitan ko siya bilang CEO. Kaya malaki ang posibilidad na may kinalaman ang asawa.Nagpakawala ako nang buntong hininga. “Tell her to come in,” ani ko na lang kay Lenny na ikinatango niya.Sakto lang ang upo ko nang isara ni Jalene ang pintuan ng aking opisina.“Kaninong ideya ito?” Titig na titig ako sa kanya. “Ang alin po, sir?”“Ito. Ang maging assistant ko.”“Narinig niyo naman po siguro ang sinabi ni Lenny, ang Don po ang nagpasok sa akin.”“Hindi ako naniniwala.”Nagkibit-balikat ang dalaga. “Kayo po kung ayaw niyong maniwala.”“Alam mong hindi ito kasali sa deal natin, Jalene. Kaya anong ginagawa mo?”“
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Chapter 16.1: Warren

JALENE’s PovHindi nga ako sinama ni Frank dahil personal daw ayon kay Lenny. Kaya nangyari, maghapon akong tumulong kay Lenny. Marami siyang pending kaya kailangan niya talaga ng tulong ko.Breaktime nang bumaba ako para bumili ng miryenda. Nakisuyo si Lenny kaya binilhan ko rin siya. May nagtitinda raw sa gilid kaya doon ako bumili hindi sa canteen.Natakam ako sa hungarian with rice kaya iyon ang inorder ko. Kikiam at squidball naman kay Lenny. Binilisan ko pa ang lakad ko para may time pa akong kumain. 15 minutes lang naman kasi ang break time.“Naku, baka tumaba ka kaka-rice,” biro sa akin ni Lenny.“Okay lang. Nang magka-laman laman naman ako.” Sabay pindot ko bewang ko.Ang payat ko kasi ngayon. Nagsimula ito nang mamatay si Nanay. Hindi na ako nakaka-kain nang maayos. Tapos epal pa si Kassandra sa kusina kaya late akong kumakain.“Wala naman si boss kaya dito na lang ako. Pwede ba?”“Pwede naman. Dito lang din ako kumakain kapag maraming gawa.”Mabuti na lang at mabait si Lenny
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status