Walang tigil sa pag-iyak si Lexie habang hawak ang isang shot glass. Alam niyang pinagtitinginan siya sa bar, pero wala siyang pakialam. "Pshhh, what do they know about me? People keep staring, and it’s pissing the crap out of me. Ngayon lang ba nakakita ng isang babaeng miserable ang mga tao rito?" Umiiyak pa rin siya, ngunit bakas ang inis sa kanyang boses. Napalakas yata ang kanyang pagsasalita, kaya naagaw niya ang atensyon ng bartender. "What?" Lexie snapped at him. "A-ayos lang ho ba kayo, ma’am?" Nag-aalalang tanong ng bartender, dahilan para mapairap si Lexie. "Mukha ba akong okay? My stupid fiancé got my stupid cousin pregnant. They are going to get married, so no, I am not okay. Okay na? Can you leave me alone now?" Masungit niyang sagot bago inisang lagok ang hawak na shot ng scotch. Mariin pa siyang napapikit nang muling gumuhit sa kanyang lalamunan ang pait at anghang ng matapang na alak. Sandali pa siyang nag-isip kung nakailang shot na nga ba siya, pero sa huli,
Last Updated : 2025-03-11 Read more