''kamusta Evie mag dalawang buwan na kayo ni Dreymond wala parin bang laman ?" nagpunas muna siya ng labi at saka ngumiti . Naiinis siya dahil minamadali ng mga ito na mabuntis samantalang hindi naman niya alam kung kailan ipagkakaloob ng diyos ang batang para sa kanila . ''wala pa po lo ,Pero sinusubukan na po namin ni Drey '' tila hindi nagustuhan ng Don ang kanyang sagot dahil hindi man lang ito tumingin sa kanya tila nawalan pa ito ng ganang kumain . Nakita niyang ngumisi ang ibang kapatid ng kanyang byenan . Nagulat siya sa biglang pagtapik ni Margie sa kanyang hita mula sa ilalim ng mahabang mesa .Medyo malayo sa kanya si Dreymond at silang mga babae ay naihialay sa mga lalaking Clarkson..Hindi niya mawari kung totoo ba itong nakikipagsimpatya sa kanya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon dahil tulad niya hindi pa ito buntis gayong isang taon na silang kasal ng isa sa mga Clarkson.Tanging ang ina lang ni Dreymond ang nakapagbigay ng anak . ''huwag mo ng isipin si lolo
Terakhir Diperbarui : 2025-04-12 Baca selengkapnya