CATHERINE POV"Kung ganoon ay wala na pala talaga kaming magagawa pa patungkol sa bagay na ito. At wala rin kaming karapatang pagbawalan ka Sir Borris kung ang iyong nais ay kunin na sa amin ang anak namin," tumatangong utal ni daddy sa kanyang sarili ngunit halos rinig na rinig naman namin."Dad, huwag po kayong mag-alala at anumang oras ay pwepwede naman po kayong dumalaw sa amin doon," mabilis na sagot ni Zaad kay daddy na siyang ikinatango muli ni daddy.I can't believe this is even happening. Talaga bang kasal na kaming dalawa at titira ako sa iisang bahay na kasama siya. Wait, what? Titira na kami sa iisang bahay? Kaming dalawa lang?Agad na nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napalingon ay Zaad na ngayon ay agad naman akong niyakap at inilapit sa kanyang katawan.WHAT THE HELL?!At kailan ko pa siya binigyan nang karapatan na hawakan at yakapin ako nang ganito. Kung hindi lang kami nasa harapan nila mommy ngayon ay baka nasikmuraan ko na siya. Kanina niya pa kasi ak
Terakhir Diperbarui : 2025-03-28 Baca selengkapnya