“Ineng, saan ka ba nagpupupunta at palagi kang inuumaga? Aba'y napakadelikado pa naman ng panahon ngayon.” Napangiti si Gigi sa tinuran ni aling Senia, ang may-ari ng tinutuluyang bahay ni Gigi. Maliit lang ang bahay at gawa sa kahoy kaya mura lang din ang upa niya sa isang silid. Hindi naman naasiwa si Gigi dahil puro mga babae naman ang kasama nila sa bahay, hindi kasi tumatanggap ng lalaking tenant si aling Senia. “May inasikaso lang po, aling Senia. Ang aga n’yo yata gumising ngayon?” Napatingin si Gigi sa suot na relo. “Masakit kasi ang likod ko, hindi na ako makatulog kaya bumangon na ako.” “Naku, dahan-dahan na kasi sa matatabang pagkain, aling Senia. Heto po puto cheese, nabili ko doon sa may labasan, hati po tayo. Masarap ito kapag pinares sa mainit na kape.” Kinindatan ni Gigi ang matandang dalawa. Binigay niya ang kalahati na puto cheese sa matandan. “Sige po, akyat po muna ako.” “Naku, ang bait talaga ng batang ito. Salamat dito sa ibinigay mo, ineng.” “Walang
Last Updated : 2025-03-28 Read more