"D-Derek, hindi ko alam na makakalabas ka na ngayong araw din. Di sana pala'y pinuntahan na muna kita ro'n bago nagpupunta rito," bungad na sabi ni Sally kay Derek. Gusto ko sanang matawa dahil muntik na itong pumiyok, halatang kinakabahan ang bruha.Hindi na nito sinagot pa ang tungkol sa itinatanong ko na pangalan. "Yeah," tipid namang sagot ni Derek. Nakatingin lang ako kung paanong magbolahan ang mga walang hiya.Alam ko na makakalabas naman agad ang lalaking 'to, ano pang silbi ng koneksyon nito at pera kung hindi, 'di ba?"Thanks to you, pagpipyestahan na naman ako ng Media. Malaking impact na naman sa pangalan ko." Sa akin nakatingin si Derek, mapupula ng kaunti ang mga mata nito. Ang hula ko'y kulang sa tulog, at wala na akong pakialam pa ro'n. "Taste the consequence for what you did. Kasalanan mo ang nangyari sa 'yo, ano ba kasing naisipan mo't tangkain mo 'kong pagsamantalahan...na Auntie mo? How shame of you." Pinaalala ko sa kaniya ang ginawa niya kagabi. "What? I thoug
Last Updated : 2025-03-18 Read more