Breaking News Report:“Ikatlong linggo nang pinaghahanap si Mrs. Alina Montenegro, ang asawa ng negosyanteng si Santino Montenegro. Ayon kay Mr. Montenegro, matagal nang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang asawa, at isang insidente ng pananakit ang nagtulak dito upang aksidenteng mapatay ang isang tao. Ngayon naman, isang sunog na sasakyan ang natagpuan sa paanan ng isang bangin sa labas ng siyudad. Ayon sa mga awtoridad, ito ang parehong sasakyan na ninakaw ni Mrs. Montenegro ilang araw bago siya mawala. Sa kabila ng matinding pagkasunog, isang bangkay ang natagpuan sa loob. Matapos ang paunang imbestigasyon, kinumpirma ng pulisya na si Mrs. Alina Montenegro nga ang biktima. Patuloy ang mga awtoridad sa pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na dahilan ng insidente.” Nakatitig si Alina sa telebisyon nang makita ang balita tungkol sa kanya. Napakapulido ng plano ni Damian. Napaniwala nito ang lahat, lalo na ang mga pulis, na si Alina Montenegro nga ang babaeng nasa loob ng n
Last Updated : 2025-02-26 Read more