ISHTAR THOMPSON Nice… mukhang effective nga. Or so I thought… dahil sa pang-apat na baso ko, ay mas lalo ko lang namang naalala ang hirap na pinagdaanan ko noon. Napahalumbaba na lang ako’t humi-hiccup pa. Naiiyak dahil sa sakit, nang may bigla na lang umupo sa katabi kong upuan at kung saan side ako nakaharap. My eyes widened in shock. Nakainom man ako ngayon, pero hindi pa nanlalabo ang paningin ko kaya namumukhaan ko ang lalaking dumating at kasalukuyang nag-oorder ng alak. “Killian… Stanislav,” tila ay kinakapos ang hiningang sambit ko sa pangalan niya. Napalunok ako nang magtama ang paningin naming dalawa. Tila bumalik sa akin ang lahat ng alaala noong nasa business world pa ako. I know this man. He’s the greatest enemy of Thompson Enterprise. The business tycoon who’ve conquered the top within just a year. “Miss Thomp… I mean, Ishtar. I didn’t expect to see you here.” Hearing what he just said, mukhang alam niya na ang nangyari last month. I mean, mas weird kung hindi ni
Last Updated : 2025-02-19 Read more