"What reward do you want, then?""Vacation! I want to go to beach, Uncle Pablo!"Nag-angat ako ng tingin at hininto ang ginagawa sa laptop ko. Nakaupo si Kiefer sa binti ni Kuya Pablo at naglalaro ang bola."Kuya, stop spoiling him," suway ko at nag cross arms. "Hindi ba't nagbeach na tayo noong isang buwan? We stayed there for a week.""Pero, mommy, ang sabi mo ay kahit anong rewards ang hilingin ko basta parati akong may star galing kay teacher," pagdadahilan ng anak ko. "Hindi ba Uncle Pablo sinabi niya yun?" At naghanap pa ng kakampi!Mahina akong natawa nang tumango naman si Kuya Pablo, bilang pagsangayon kay Kiefer. "Kayo talagang dalawa! Sige na, magpapa-book na ako kay Auntie Carla ng rooms. Saang beach mo ba gusto?""I want pink beach, mommy!"Tinawagan ko si Carla para sabihan na aalis kami bukas. Hectic ang schedule ko dahil ako na ang bagong managing director ng company namin, pero kapag tungkol naman kay Kiefer ay kaya kong ipagpaliban ang lahat.Siguro iyon na rin ang gu
Last Updated : 2025-02-20 Read more