Kinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki."Hello po, Mang Ben…""Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses."Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun
Terakhir Diperbarui : 2025-03-15 Baca selengkapnya