All Chapters of SILVESTRE SERIES#1: VENA SILVESTRE: Chapter 21 - Chapter 30

41 Chapters

Chapter 8.5

Ilang minuto ng nanunuod sina Andrei at Lizzy ng pelikula. Dumating na rin ang inorder ni Lizzy na pagkain at ang hinihintay na lamang niya na dumating ay ang order niya. Hindi niya alma kung anong oras ito darating ngunit nasisiguro niya na ilang sandali na nga lamang ay darating na iyon. Katulad nga ng inaasahan niya ay pagkaraan lamang ng ilang minuto ay agad ng tumunog ang doorbell ng kaniyang condo. Nasisiguro niyang iyon na ang order niya kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan nila ni Lizzy. Nagtatakang pinanuod siya ni Lizzy na lumapit sa kaniyang pinto. Pagbukas nga niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang delivery boy na hawak- hawak na ang isang pumpon ng bulaklak na inorder niya at sa isang kamay naman nito ay hawak nito ang naka- box na cake. Mabilis niya itong inabot at pagkatapos ay nagpasalamat rito. Bayad naman na iyon dahil nang pag- order pa lamang niya ay binayaran na niya. Napangiti siya ng tuluyang umalis ang delivery boy. Siguradong magiging masaya si Liz
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 9.1

Late ng nagising si Vena ng araw na iyon dahil sa hindi niya malamang dahilan. Siguro ay sa daming iniisip niya kaya hindi siya nagising ng maaga. Isa pa ay kagigising niya lang pero nakapag- isip na siya kaagad ng plano niya sa araw na iyon. Kailangan niyang makausap si Andrei lalo pa at isang araw na niya itong hindi nakikita. Hindi niya ito mapupuntahan bukas dahil ihahatid niya si Maxene sa airport. Sasama siya para hindi naman magtampo si Maxene sa kaniya, hindi niya naman papayagan na pati ito ay magtampo pa pati sa kaniya dahil nga nagtampo na sa kaniya si Sam at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa niya ito natatawagan at hindi pa siya nakahingi ng tawad rito. Sasadyain na lamang niya ito sa bahay nito para personal na humingi ng tawad rito sa ngayon ay si Andrei na muna ang aasikasuhin niya dahil kailangan niya itong makausap. Mabilis siyang bumangon mula sa kaniyang kama at dali- daling pumasok sa kaniyang banyo upang maligo. Hindi naman siya pwedeng magpakita kay And
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 9.2

Agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng gusaling pinuntahan niya. Dahil nga tanghali na ng mga oras na iyon ay nasisiguro niyang nasa opisina na nito si Andrei kaya doon na siya dumiretso at hindi na sa condo nito. Bago siya lumabas ng kotse ay napairap siya sa hangin, paano ba naman ay makikita na naman niya ang impaktang sekretarya ni Andrei na kinaiinisan niya ng sobra- sobra. Napabuga na lamang siya ng malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay mabawasan ang stress niya kahit hindi pa man sila nagkikita nito. Ilang sandali pa nga ay mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay taas ang nooong naglakad papasok sa gusali. Kitang- kita niya ang mga tinginan sa kaniya na hindi niya naman pinansin. Ang iba ay punong- puno ng paghanga ngunit ang iba ay syempre pagka- disgusto ang makikita sa mga mukha nila marahil siguro sa inggit o kung ano pa man. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy- tuloy sa kung nasaan ang elevator at
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 9.3

Pagkalabas na pagkalabas ni Vena sa opisina ni Andrei ay napatitig siya sa pinto kung saan lumabas ang dalaga. Kitang- kita niya sa mga mata nito kung paano gumuhit ang sakit dahil lang sa mga salitang binitawan niya na sa totoo lang ay wala naman sana siyang balak na sabihin ang mga iyon. Maging siya sa sarili niya ay nabigla rin dahil sa sinabi niya ngunit huli na para bawiin niya pa ang mga iyon. Sa tanang buhay niya ay nagyon lamang siya nakunsensiya para sa isang babae. Hindi niya alam pero parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa ginawa niya. Pero wala siyang ibang choice kundi ang gawin ang bagay na iyon. Alam niyang iyon lang din naman talaga ang paraan para maitaboy niya ito pero hindi naging maganda iyon. Bigla siyang napasandal sa kaniyang swivel chair at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Ano bang pumasok sa utak niya at bigla- bigla na lamang niya iyong nasabi ng hindi nag- iisip? Bakit hindi na lang niya nagawang pag- isipan ang mga sasabihin niya
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 9.4

Pinatay na nga ni Vena ang makina ng kaniyang sasakyan pagkatapos niyang pumarada sa harapan ng bahay ni Sam. Bago nga siya bumaba ng kaniyang sasakyan ay tiningan niya muna ang kaniyang sarili sa rearview mirror ng sasakyan niya. Napasinghot pa siya nang makitang mugto na ang knaiyang mga mata dahil sa pag- iyak. Nagpunas muna siya ng mga tira pang luha sa gilid ng kaniyang mga mata bago siya lumabas dahil pakiramdam niya ay ang pangit- pangit na niya dahil sa pag- iyak niya. Nag- retouch din siya ng kaniyang light make- up upang matakpan ang pagiging devastated niya ng mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang iayos ang kaniyang sarili ay mabilis na siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay nagmartsa na papasok sa bahay ni Sam. bakit na naman kaya nito tinawag si Maxene? Huwag nitong sabihin na nagka- problema na naman silang dalawa ni Mike samantalang kakabalikan lang nilang dalawa. Nasa front door pa lamang siya ay rinig na rinig na niya ang malakas na palahaw ni Sa
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 9.5

“Isipin mo na lang si Sam yung girlfriend ng lalaking yun tapos pinili ka ng lalaki na yun, o tingnan mo nga kung gaano nasasaktan si Sam.” dagdag pa nito. Bigla naman siyang nakaramdam ng guilt sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi ni Maxene. Tama rin naman ito, pero kasalanan niya ba na pagkakitang- pagkakita pa lamang niya kay Andrei ay tumibok na agad ang puso niya. Nagpunas siya ng kaniyang mga mata at tinuyo ang kaniyang pisngi. Siguro nga ay tama ito na dapat ay naghanap na lamang siya ng lalaking walang girlfriend, yung tipong wala siyang kaagaw at yung lalaking handa siyang mahalin. Ngunit sa dami ng lalaki na niyang nakilala ay bukod tanging kay Andrei lang talaga tumibok ang puso niya. Hindi niya naman gugustuhing makipag- relasyon sa mga lalaking wala naman siyang nararamdaman dahil sino sana ang niloko niya kapag ginawa niya iyon? Sarili niya rin naman diba? Isa pa ay gusto niyang maranasan sana yung salitang mahal ka ng taong mahal mo, pero ang naranasan niya lang muna s
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 9.6

Isang mahinang yugyog sa balikat ni Vena ang dahilan kung bakit siya nagising. Napa- ingit siya ng wala sa oras. Kulang na kulang pa ang tulog niya. Pakiramdam niya ay katutulog lamang niya. Napatakip siya sa kaniyang mukha dahil nasisilaw siya. “Ngayong araw na yung flight ko kaya gumising na kayong dalawa.” narinig niya saad ni Maxene sa kanilang dalawa ni Sam. Hindi siya sumagot rito at nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya. Hanggang sa hindi na siguro nakatiis si Maxene ay tuluyan na nitong hinatak ang kumot nila ni Sam. Sabay silang napa- ingit ni Sam dahil sa ginawa nito. “Bumangon na kayo diyan at baka mahuli pa ako sa flight ko dahil lang sa kalasingan ninyong dalawa.” sabi nito at pagkatapos ay pinagpag na ang kumot na ginamit nila. Wala pa sana siyang balak na bumangon ngunit bigla na lamang niyang naramdaman ang tila ba gustong umahon mula sa kaniyang tiyan kaya mabilis siyang napabangon at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang bibig. Mabilis siyang nagtatakbo p
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 9.7

Habang nagkakape sila ay walang umiimik sa kanilang tatlo. Tahimik lamang sila pare- pareho at tila ba may kaniya- kaniyang malalim na iniisip. Hanggang sa may isang bagay na pumasok sa utak niya. Iyon lamang ang magiging paraan para makapag move- on siya ng mabilis. Tumingin siya kay Maxene na abalang nakatulala habang nagkakape. Alam niya na kapag sinabi niya rito ang knaiyang plano ay bigla itong magulat. Nagtanggal muna siya ng bara sa kaniyang lalamunan kaya napalingon ito sa kaniya. “Cancel your flight today.” seryosong saad niya rito. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa sinabi niya at syempre ay labis- labis ang pagtataka. Sino ba naman kasi ang may matinong pag- iisip naipapa- cancel ang flight dahil lang sa sinabi ng kaibigan mo hindi ba?’ “What?” gulat nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay inilapag nito ang tasa sa lamesa sa labis na pagtataka. “I can’t.” sabi nito na may kasama pang pag- iling. Pero syempre, siya si Vena Silvestre isang spoiled brat, g
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Chapter 10.1

Pagdating ni Vena sa bahay nila ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid upang mag- empake. Oo nga at pina- delay nila ang flight ni Maxene pero syempre ay kailangan niyang tumakas mula sa Daddy niya. Naisip nga niya na ilang pares lamang ng damit ang idadala niya at doon na lamang siya bibili ng damit niya para hindi siya mahirapan sa pagbibitbit. Isa pa ay para hindi magtaka ang kaniyang ama kung bakit saan siya pupunta. Habang pauwi pa lamang siya kanina ay naplano na niya kaagad ang mga gagawin niya pagdating niya. Sinabi niya rin sa mga ito na bilisan nila ang paghahanda nila ng mga gamit dahili gusto niya ay aalis sila kaagad. Baka mamaya kasi ay pigilan na naman siya ng kaniyang ama sa plano niya. Abala siya sa pamimili kung anong damit ang mga dadalhin niya nang bigla na lamang siyang nakarinig ng marahang pagkatapok sa kaniyang pinto. Ini- lock niya iyon para hindi makapasok ang sinuman at makita nila ang ginagawa niyang pag- iimpake. “Sino yan?” tanong niya habang nam
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Chapter 10.2

“What?!” malakas ang naging boses ng ama ni Vena dahil sa kaniyang narinig. Nasa harap sila ng hapag kainan ng mga oras na iyon at kaharap niya ang mga anak niyang lalaki. Sa hapag lang sila talaga nkukumpleto ngunit madalas ay may kulang sa kanila lagi at katulad ngayon, si Vena ang wala. Pinapatawag niya ito sa kaniyang silid upang tawagin at kumain na ngunit sinabi ng isa sa mga kaharap niya na wala daw ito roon dahil umalis daw ito ng bansa. Hindi pa man siya nakakapag- umpisang kumain ay tila ba nawalan na siya kaagad ng gana dahil sa narinig niya. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon dahil sa inis. Wala na talaga itong ginawa sa buhay nito kundi magliwaliw. “Ilang beses ko siyang pinapatawag para pumunta sa akin at may importante akong sasabihin sa kaniya pero hindi siya nagpupunta at ngayon nasa ibang bansa na siya?” hindi makapaniwalang bulalas niya na may kasama pang pag- iling. “Parang hindi mo naman kilala ang anak niyong iyon Daddy.” koment
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status