Elisha point of view Dala dala pa rin ang bigat sa aking kalooban ay ginawaran ko ang aking nanay ng isang bagsakan na kuwento ngunit pinili ko lamang ang mga maayos na sa tingin ko ay hindi makikitaan ng anumang pangamba para lang ay Makita ko kung paano pumungay ang mga mata ng aking nanay. Napagmasdan ko itong tila nag-aalala sa akin kaya naman ay nang mag indikasyon itong yayakapin ako ay mataman ko itong pinagbigyan. Pinalibot ko ang aking mga kamay sa balikat ng aking nanay dahilan tuloy upang iyapos ko ito ng yakap. Napapikit ako ng mga mata upang maramdaman lamang ang pagdapo ng kamay nito sa aking ulo at mataman kaming nagyakapan at Hindi ko maiwasan na mapangiti ng maayos dahil finally ay home sweet home na ako. Kaya naman pagkatapos namin magyakapan ay patuloy lamang ako sa pagkukwento at pagkatapos ay tumitigil din ako saglit upang maghanda ng aming makakain. Gusto ko habang naririto ako ay mapagsilbihan ko ang aking nanay bago bumalik sa pagtatrabaho. Kaya nam
Last Updated : 2025-03-19 Read more