Pagkatapos ng nakakahiyang sandali kanina ay kumalkma na rin si Lexie at bumalik sa dati ang ekspresyon ng kanyang mukha. Inignora na niya ang kung ano mang hiyang natitira pa sa kanyang katawan at ninamnam sa kanyang bibig ang kinakain. Ngayon lang niya natikman ang nilutong pagkain ni Nigel at nagulat siya dahil masarap ito.Though, hindi makikita sa mukha niya na nasasarapan siya sa pagkain ay ay naipakita naman niya sad amin ng kinain niya. Tatlong beses siyang nag-hirit ng kanin at ni hindi sumasali sa usapan nila. Ang nasa atensyon niya ay ang pagkain na nasa harap niya.Nang matapos siyang kumain ay itinulak niya ang pinggan bago uminom ng tubig. “Thank you sa dinner,” sabi niya.Sabay na napatingin ang mga kasalo niya sa kanya at natawa. Lalo na si Nigel na Nigel na itinukod ang siko sa mesa at ngumiti sa kanya. Tumikhim lang siya at tumayo sabay lakad palabas ng kusina at dumeretso sa kuwarto. Naupo siya sa gilid at pumikit sabay hinga ng malalim.Nang magmulat siya nang mata
Terakhir Diperbarui : 2025-03-10 Baca selengkapnya