Kabanata 3Sigurado ka bang 'yan ang bibilhin mo para sa boyfriend mo? Mahal, ah!"Umangat ang tingin si Ria sa kaibigang si Venus, nakapamaywang ito at umiiling. Nasa isang shop sila ngayon ng mga nagtitindang sapatos para ibili ng regalo ang boyfriend niya. It was their second year anniversary today so she was willing to pay any amount as long as she could. Balak niyang bilhin ay iyong original dahil 'yon ang pangarap na sapatos ng boyfriend niya. "Ngayon lang naman Ven. 'Tsaka isa pa, matagal niya nang sinabi na gusto niya ng ganitong sapatos," ani Ria, desidido nang bilhin ang Nike shoes na nagkakahalaga ng mahigit sampong libong piso.Bumuntong-hininga si Venus. "Kung hindi ka sana nag-resign sa work mo, e'di wala kang problema sa pera ngayon."She shook her head to show her disagreement. Hindi na muna siya sumagot at tuluyan nang binili ang sapatos. Kalaunan ay lumabas na sila ng shop. Nag-umpisa silang maglakad sa ilalim ng tirik na araw patungo sa paborito nilang karinderya.
Last Updated : 2025-02-01 Read more