Halata ang kapaguran ng umowi nang bahay si Lorelie matapos nitong mag punta sa presento para itanong kong kasama ba sa mga na tagpuang patay si Harold. Pero ang sabi ng pulis na pinag tanongan niya ay wala umano sa listahan ng mga nasawi at sugatan ang Harold na sinasabi nito. "Ma, saan kayo galing?" Si Ciara na kabababa lang galing sa kaniyang silid. Nakaupo naman sa mahabang sofa sa sala si Lorelie habang binabagabag ang kaniyang isipan. "Galing akong presento, nag babaka sakali na baka isa sa mga sugatan na natagpuan si Harold pero wala daw siya sa listahan ng mga na tagpuang sugatan at nasawi. Pero hindi ba't ang eroplanong iyon ang sinakyan niya na sumabog? kaya papaanong hindi mahanap ang katawan niya?" Mahabang litanya nito habang nagsisimula nang manubig ang kaniyang mga mata. Labis na nag aalala na siya para sa lalaki. Hindi niya alam kong saan pa ito hahanapin. Naupo naman sa tabi nang ina si Ciara at pilit itong inaalo. "Relax lang ma, kong nasaan man naroon si dad, a
Terakhir Diperbarui : 2025-03-10 Baca selengkapnya