Ngunit pagpasok niya, isang suntok ang agad na sumalubong sa kanya.Hindi siya nakaiwas. Tumama ito nang mariin sa kanyang mukha at napaatras siya.Galit na galit si Dexter at handang umatake ulit, pero mabilis siyang pinigilan ni Brandon, na sumunod kay Tyler."Tama na!" pigil ni Brandon, hinawakan ang kamao ni Dexter.Napamura si Dexter sa galit. "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito, Tyler!"Pinahid ni Tyler ang dugong lumabas sa kanyang labi, saka tumingin nang matalim kay Dexter.Nang muling magpapakawala ng suntok si Dexter, isang mahinang tinig ang pumigil sa kanya."Deeex.." Mahinang tawag ni Dianne habang nakasandal sa ulunan ng kama. "Tama na.""Dianne, huwag kang makialam. Kailangan kong ipaghiganti ka," sagot ni Dexter, mahigpit siyang tinitigan."Alam mong hindi mo siya kaya. Kung matatalo ka, ayos lang sa akin, pero ayokong ikaw ang magdusa ulit," sagot ni Dianne, mas mahina ang boses ngayon.Nagkatinginan sina Brandon at Dexter."Boss Suarez, tama ang sinabi ni Mad
Huling Na-update : 2025-02-22 Magbasa pa