"Maaaaaaa, please naman ayoko po pigilan mo naman po si tito Arnold." umiiyak na pakiusap ni nathalie sa kanyang ina na wag sundin ang kanyang asawa. Stepfather ito ni Nathalie na walang ibang ginawa kung hindi ang mag inom at magsugal. Kaya nalubog sa utang. At sya ang gustong ipambayad utang sa di nya kilalang lalaki. "Gawin mo na lang anak, dahil pag di natin sya sinunod lalo tayong mapapahamak. Gusto mo bang bugbugin ako uli ng tito mo?" Pananakot naman ng kanyang ina na laging pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang pangalwang asawa kapag nalalasing at talo sa sugal. "Pero Maaaaa, paano naman po ako? 19 years old pa lang ako para ipakasal at sa hindi pa natin kilala. Paano po kung masamang tao yun? Paano kung patayin nya ako? At Paano po ang pag aaral ko, marami pa po akong pangarap. Pwede naman na tayong umalis at iwan sya ma e".Pagsusumamo Nya sa kanyang inang patuloy parin sa pag lalagay ng kolorete sa mukha ni Nathalie."Tama na Nathalie, mahal ko ang tito mo at hindi ko sya kay
Last Updated : 2025-01-22 Read more