AMERY HEART POV EKSAKTO alas siyete ng gabi, naihanda na lahat sa mahabang dining table ang lahat ng mga putahe na niluto ko para kay Elias. Ini-expect ko na ano mang sandali, darating na siya. Ang mga kasambahay na sila Arya at Belen ay kanina pa kinikilig. Nakita din kasi talaga nila ang effort na ginawa ko para makapaghanda ng maraming putahe sa pag-uwi ni Elias. "Naku Mam, tiyak kaming matutuwa nito si Sir. Grabe ang effort na ibinuhos niyo sa mga pagkain na iyan Mam.'" nakangiting wika ni Arya. "Naku, sana nga! Sana magustuhan niya!" nakangiti kong sagot. Ready na ako. Nakabihis na din ako ng pangmalakasan kong outfit at kahit na malaki na ang tiyan ko, pinili ko pa rin na magsuot ng damit na medyo sexy. Isa itong dress na hangang hita ang haba at labas ang cleavage. Gusto ko kasi na hindi lang sa mga pagkain matakam si Elias kundi pati na din sa akin "Ako na ang bahala dito, Arya, Belen. Kapag dumating ang alas nuebe ng gabi at wala pa ang Sir niyo, magpahinga na kay
Last Updated : 2025-04-07 Read more