Asher's POVNakangiti kong ibinaba ang hawak kong baraha."Kapag sinuswerte ka nga naman," nakangiting sabi ko habang nakasimangot naman ang dalawang bugok."Tangina, kaumay! Nandadaya ka na naman. Kaya ayaw kita kalaro," sabi ni Liam bago tumayo at ibinato sa akin ang susi ng condo niya."P*ta ka. Masama 'yang gan'yan, gago," naiinis na sabi naman ni Drake bago inilapag din ang susi ng condo niya."Kingina niyo! Kayo ang may sabi na ang pustahan mga real properties," natatawang untag ko.Iiling-iling kong kinuha ang mga susi nila bago ko 'yon binulsa."Oh? Saan ka galing, ungas?" narinig kong tanong ni Drake kaya agad akong napatingin sa gawi niya. Kausap niya si Hunter na sa wakas, magaling na ang bali sa kamay."Magaling na kamay mo, brad? Pinatatawag ka ulit ni bossing, paa mo naman daw babalian," natatawang asar ni Liam.Malakas naman kaming nagtawanan nang batuhin ni Hunter si Liam ng unan."Putangina niyo!" sigaw nito bago pumunta sa bar counter. Hindi naman kami sumagot tangi
Last Updated : 2025-02-10 Read more