MULING MAGING AKIN Chapter 121: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Kinaumagahan, sinamahan ako ng asawa ko para magpa-check-up. Kumuha muna si Jasper ng isa sa mga kasambahay niya para maging yaya ni Zanyca. May mga tauhan din siya na inatasan sa pagbabantay sa anak namin. “Babae ba yung O. B. Gyne doctor ko, hon?” Curious na tanong ko habang papunta kami sa clinic nito. “Of course, hon! Palagay mo naman papayag ako na lalaki ang mag check-up sayo? Baka makapatay pa ko pag nagkataon.” Seryosong wika niya. Napairap naman ako sa asawa kong ubod ng seloso, parang nagtatanong lang eh. “Ewan ko sayo. Napaka seloso mo! Pero kayong mga lalaki, okay lang kapag babae ang doktor ang mag check-up sa inyo, samantalang kayong mga lalaki naman ang mabilis matukso. Ang unfair!” Kung gwapo ang doktor, syempre unfair talaga yun. Hindi yun makatarungan. Yun nga lang, hindi ko pwede isaboses yun dahil may magagalit na naman. Baka imbes na isang bata lang ang nasa loob ng tiyan ko, maghimala ang
Terakhir Diperbarui : 2025-03-14 Baca selengkapnya