Nagmulat na ng mata si Kattie. Medyo paos pa ito at halatang pagod pa ang katawan. Agad kinamusta ni Jericson ang kalagayan nito at nararamdaman. "Love, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya. Ngunit imbes na sagutin nito ang kanyang tanong. Nagtanong rin ito sa kanya tungkol sa mga anak nila. "Love, kamusta si Ken? Ang baby natin?" Hindi muna ni Jericson sinagot ang mga tanong ni Kattie. "Love, magpahinga ka kaya muna. Baka mabinat ka hindi birong magluwal ng sanggol." paalala ni Jericson. "Love, mas mabibinat ako kung di ko malalaman ang mga kalagayan ng anak ko." sagot ni Kattie. Napaisip rin si Jericson sa sinabi niya at natahimik sandali bago nagsalita ulit. "Love, si baby Princess Janica ay nasa NICU room. Sinabi ng doctor na doon muna siya hanggang sa mabuo ang kulang na buwan niya. Si Ken naman--" natigilan si Jericson at pumiyok. "Ituloy mo love, anong nangyari kay Ken? Nakuha ba siya ng mga masasamang tao?" tanong nito. "Hwag kang mabibigla love, hindi
Last Updated : 2025-03-20 Read more