KINABUKASAN Nagising si Kattie na masaya, muli na naman kasi silang masayang nagkasama ni Jericson. Katabi niya ito sa kama at parang batang nakasiksik na naman sa kanya. "Love, gising ka na ba?" tanong ni Kattie ng mapansing gumagalaw ito. "Yes, love." sagot ng baritonong boses nito na nanatiling nakayakap sa kanya. "Love, umaga na hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Kattie rito. "Love, wala naman tayong work ngayon. Gusto ko pang makasama ka. Please, hwag na muna tayong bumalik ng Manila." parang batang pagsusumamo nito sa kanya. "Ok, love pero today lang ha. May class si Ken bukas at ayoko namang mang abala kay dad." sagot ni Kattie at wala naman siyang magawa kundi pumayag na lang. Natulog na lang rin muna siya at maaga pa naman pagkakita niya sa wall clock na nakasabit sa loob ng room nila. Magtatanghali na ng muli siyang nagising. At tulog pa rin si Jericson kaya hinayaan na lang niya muna ito na matulog at mamaya na lang niya gigisingin kapag natapos na siya
Terakhir Diperbarui : 2025-03-14 Baca selengkapnya