Semua Bab The Heiress Reborn: Revenged For Legacy: Bab 21 - Bab 30

96 Bab

Kabanata 21

At Miller's building Pagpasok niya sa loob at naupo sa table niya naroon na ang boss niya at may nakalatag na mga documents. Nang mabasa niya ang mga ito lumaki ang dalawang mata niya. Isa itong agreement para sa pagpapanggap niya bilang fiance' nito. Talagabg seryoso nga ito akala niya kasi usapang lasing lang talaga. Wala sa isip niya ang lahat lahat. Nang mabasa niya ang nakasulat bigla naman itong sumulpot sa harapan niya. "Nabasa mo na ba lahat?" tanong nito. "Po? Hindi pa." pagsisinungaling niya. Hindi sa hindi niya nabasa lahat parang ayaw niya talaga na pumayag sa gusto nito. Pero, nagtatalo ang sarili niya dahil malaki laki na rin ang sampung libo lalo kung per day. "Okay, after mong basahin sign it at puntahan mo ko sa table ko, alright?" bilin nito. Hindi na niya ito pinansin pa. At pikit matang pinirmahan ang lahat ng mga dokumento na nagsasaad ng lahat ng kundisyon at rules nila habang nagpapanggap sila. Pagkatapos tumayo na siya at naglakad patungo sa table
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-09
Baca selengkapnya

Kabanata 22

Dinner Party at Palazio Sabay na dumating si Jericson at Kattie hindi naman nag ayos ng bongga si Kattie pero, sinigurado naman niyang maipagmamalaki siya ng kanyang date ngayong gabi. Pagpasok nila sa loob agad silang inassist ng staff at dinala kung nasaan ang table nila Maxine. Nang makita sila nito agad itong tumayo. Nakipag beso ito sa kanya at pinaunlakan naman ni Kattie. Nang makaupo na sila panay tanong ito tungkol sa kanila ni Jericson. "By the way saan nga kayo nagkakilalang dalawa?" tanong ni Maxine. "Ahmmm--" hindi nakapag salita si Kattie ng i-interrupt siya ni Jericson. Wala rin naman kasi siyang magandang sasabihin. Kung sasabihin niya ang first encounter nila wala naman maganda roon kaya natahimik na lang siya at nakinig kay Jericson ng hawakan nito ang kamay niya gusto niyang maasiwa kaso hindi naman niya pwedeng iwasan ito. "Well, we met at the airport, then she's going back to the Philippines too. We're same seat line then the rest is history." sagot
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-09
Baca selengkapnya

Kabanata 23

Umugong ang balitang hindi na raw single ang bachelor in town na business tycoon na si Jericson Miller.. Habang pababa ng cafeteria si Kattie naririnig niya ang mga usapan ng mga co-employees niya. Naroon rin si Lena at ang iba pa. Wala naman sa kanya iyon. Ang ipinagtataka lang naman niya kung may girlfriend ito in real life bakit kailangan pang kunin siya para magpanggap. Didiretso sana siya sa pantry dahil nautusan siya ng magaling niyang boss. Kaso nakita naman siya ni Lena kaya tinawag siya nito. "Woi! Kattie, pst!" tawag nito. Lilingon pa sana siya sa likuran sa pag-aakalang hindi naman siya ang tinatawag nito. Nang marinig niya ang kanyang pangalan doon na siya lumapit. "Bakit Lena?" patay malisyang tanong niya rito. "Hindi mo ba alam ang latest chika?" "Ang alin ba? Nagmamadali kasi ako Lena, pwede sa ibang araw na lang baka mapagalitan ako ng boss ko." ani niya. "Speaking of your boss our boss. Heto na nga nakita mo ba ito?" tanong ni Lena. "Ang alin ba?"
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-10
Baca selengkapnya

Kabanata 24

At Mall Nagpunta si Kattie kasama si Kendrick para makipag kita sa best friend niyang si Mila na ninang ng kanyang anak. Medyo napaaga siya ng kaunti pero, ayos lang makakapag libot pa sila sa Mall ng kanyang anak. Habang nag-iikot sila bigla nilang nakasalubong si Jericson naalala niya na ito pala ang may-ari ng Mall kung saan sila namamasyal. Iiwasan niya sana ito kaso nakita na siya. "Excuse me!" wika ni Jericson sa kausap na staff at naglakad patungo sa kinaroroonan niya. "Hon, what are you doing here?" tanong ni Jericson. Gustong manlaki ng mga mata ni Kattie. Hindi niya expected na tatawagin siya ng ganon nito sa harapan pa ng anak niya. Ayaw niya na naman umasa ang anak niya. Sana lang talaga malaman niya na kung sino ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon. Sobrang lango kasi siya sa alak at sa gamot na nilagay ni Eden kaya wala siyang maalala ang alam niya lang si Nicholo ang kasama niya. "Ah! May imi meet lang kami ng anak ko." sagot niya. Nakita niyang lumukot
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-10
Baca selengkapnya

Kabanata 25

Miller's Launching Project Dinaluhan ng maraming bisita kabi kabilaan ang flash ng camera of course bulong bulungan rin sa lahat at pinakhihintay nila ang sinasabing rumored girlfriend nito. Sa loob ng sasakyan kanina pa sila nagtatalo at hindi magkasundo sa susuotin ni Kattie gusto ni Jericson na magsuot ito ng formal wear kaso naisip ni Kattie na sites ang pupuntahan nila kaya need niya mag casual attire. Wala naman nagawa si Jericson sa kagustuhan nito. Nang makarating sila ng venue mabilis na nagsipag lapitan ang mga press kaya ngayon pa lang yamot na yamot na si Jericson parang ayaw na niya tuloy isama si Kattie. Maganda naman ito kaso hindi niya lang gusto ang suot nito ngayon. Maayos naman pero, hindi niya type. Kinakatok na sila ni Bryan dahil nakababa na ito mula sa sasakyan. Nang buksan ni Jericson ang pintuan agad kumislap ang mga flash ng camera at halos masilaw na nga silang dalawa. Nang makababa si Jericson inalalayan niya si Kattie sa pagbaba. Umingay lahat n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-10
Baca selengkapnya

Kabanata 26

Spark's Building Nasa office si Nicholo ng tawagan siya ng Mommy niya. Hindi niya muna ito sinagit dahil alam niya na agad ang itatanong nito. Malamang nakita na niya ang mukha ni Kattie. Hindi naman niya masisi ang Mom niya dahil nasaktan rin ito sa ginawang panloloko sa kanya. "Havr you heard the news? Kattie and Mr. Miller your friend are getting married." tanong nito. "I know Mom. And I don't care about it anymore. Well, if that's the case. Is none of my business, Mom. Let her be. If--" nagpapaliwanag pa nga siya pinatayan na siya ng tawag ng Mommy niya. Napabuntong hininga na lamang siya. Wala naman siyang magagawa kung si Kattie ang pakakasalan ng kaibigan niya. At anong pakialam niya sa buhay ng ex-fiance' niya. Iwinaksi na lamang niya ang mga iniisip at nagbalik sa trabaho. Hanggang sa isang tawag ang natanggap niya mula ito sa secretary ng Dad niya. "Yes!" "Mr. Spark, you have an appointment to Mr. Miller at 3 pm today." ani nito. "Okay. Send me the details
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-10
Baca selengkapnya

Kabanata 27

"DNA Test? Para saan?" natatangang tanong ni Kattie. Ewan ba niya para siyang wala sa sarili simula kanina. "Yes, para malaman natin kung nagsasabi nga ba ng totoo yang step sister mo. Pero, sa palagay ko oo siya ang kasama ko ng gabing iyon. She seduce me that night at niyaya ako sa unit na iyon. Then the rest is history." sagot ni Jericson. Natutop na lang ni Kattie ang bibig niya at hindi talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari. "Okay, paano kung hindi?" tanong niya. "Kung hindi sinungaling si Eden. Wait, she called you sister. Magkapatid ba kayo?" tanong ni Jericson. "Not biological, adopted siya ng dad ko. Anak siya ng mommy niya sa ibang lalaki." sagot ni Kattie. "Really? Pero, bakit mas siya pa yata ang anak??" tanong nito. Hindi naman halatang nang uusisa siya ng buhay nito. "Hmmm! After ma cut ang wedding namin ni Nicholo tinakwil ako ng Daddy ko. Pero, wala na sa akin iyon. Ang gusto ko lang makaganti sa Eden na iyon, ngunit hindi ko alam kung paano? At hind
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Kabanata 28

KINABUKASAN Maagang ginising ni Kattie ang kanyang anak. Wala naman itong pasok dahil weekend. Mabuti na nga lang tumapat na ganitong araw. "Son, wake-up. Where going to somewhere." wika niya sa anak. Medyo antok pa nga ito ngunit ng malaman nitong aalis sila ay napabangon ito at excited na nga. "Really, Mom. Where are we going?" tanong nito. "Secret, son." sagot niya at ayaw niya munang sabihin rito. Ang mahalaga ay makapag DNA Test na ng malaman na niya ang totoo. "Okay, Mom." nakangiting sagot nito sabay tayo at takbo palabas ng kwarto nito. Siya naman ay napabuntong hininga na lang rin. Tumayo na at naglakad palabas ng kwarto. Naabutan niya ang anak na nasa lamesa at mukhang kanina pa siya hinihintay nito. Habang pababa siya ng hagdan kita niya ang galak at ngiti sa labi nito. Sana lang talaga malaman na niya ang katotohanan..Naawa na rin siya sa kanyang anak na naghahanap ng kalinga ng kanyang Daddy. Alam niya kahit hindi magsabi ito ay ramdam niya nangungulila
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Kabanata 29

Nakarating sila ng Mall at hinatak agad ng bata si Jericson. Nagpatianod lang naman ito sa kagustuhan ng bata. Nang makapasok sila sa basketball arcade game tuwang tuwa ang bata sa pagshoot ng basketball gayon rin si Jericson na tila nalilibang na rin sa paglalaro. Habang si Kattie naman ay matyagang naghihintay lang sa dalawa at nanunuod. Wala naman siyang alam sa pagbabasketball hanggang sa lapitan at hatakin ng kanyang anak ang kamay niya. "Son, I don't know how to play this." ani niya. "Mom, dad will teach you." sagot ng bata. At sa mga oras na iyon nalapit na nga si Jericson sa kanya at may hawak na bola. Wala naman nagawa si Kattie ng ipahawak nito ang bola at dinala siya sa arcade. Hawak nito ang kamay niyang nanginginig sa kaba dahil magkadikit ang mga balat nila. Maya maya lang naihagis niya ang bola at saktong pumasok ito sa ring kaya tuwang tuwa siya na napatalon pa at napayakap rito. Sa sobrang saya niya tila nakalimot siya ng marandaman niya ang pag hagod ng kama
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Kabanata 30

"Sleep well, anak. Aalis na rin si D-daddy mo." nautal na wika ko. "Yes, son. I'm leaving. I'll visit you some other day." segunda ni Jericson. "Okay, Mom and Dad." sagot ng bata at ipinikit na ang kanyang mga mata. Nang lumabas na si Jericson sa kwarto ng bata sumunod na rin si Kattie. Nagkakahiyaan pa ang dalawa dahil sa nangyari kaso lang kailangan pa rin niya itong kausapin. "H-Hatid na kita palabas." nauutal na wika ni Kattie. "Sige. Babalitaan na lang kita kapag may resulta na." ani nito. "Sige." tipid naman na sagot ni Kattie. Hinatid na nga niya ito palabas at hinintay na lang na makapasok ng sasakyan at maka alis bago siya nakangiting pumasok sa loob ng bahay. --- KINATANGHALIAN Hindi agad nagising ng maaga si Kattie sapagkat madaling araw na siyang nakatulog kakaisip kay Jericson sa halik na iginawad nito sa kanya.. Shock pa rin talaga siya mabuti na nga lang ay walang pasok at Sunday ngayon. Hindi nga lang siya nakasimba dahil sa nangyari. Bumangon
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
10
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status