Lahat ng Kabanata ng Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire: Kabanata 11 - Kabanata 20

23 Kabanata

chapter 11: ano ang nasa isip niya?

Napasandal sa likod ng pinto si Graciella. Napahawak siya sa dibdib at ramdam ang pagkalabog nito. Akala niya hindi uuwi si Menard kaya kampante siyang nagllakad na nakasuot lang ng manipis na tank top at maluwag na shorts. Alas dos na nang madaling araw at naiihi siya kaya pumunta siya sa banyo. Palabas na siya ng banyo nang marinig ang pagbukas ng pinto kaya kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanyang silid. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa bilis niyang tumakbo. Pakiramdam niya sumali siya sa isang one hundred meter sprint sa bilis ng pagkaripas niya. Samantalang nasa sala si Menard. Nakaupo siya sa sofa at inaantok pero ang diwa niya ay nagulat sa narinig na may tumakbo. Tumikhim siya para mawala ang hiya. Si Graciella lang pala ang tumakbo na 'yon. Gusto na lang niyang batukan ang sarili dahil madalas nawawala sa isipan ang katotohanan na may asawa na pala siyang tao. Dap
last updateHuling Na-update : 2025-01-25
Magbasa pa

chapter 012: Pag-usapan

"Huwag na nga lang natin pag-usapan 'yan. Gusto mong kumain na lang tayo?" Pag-iiba ng topic ni Menard. Nakagat ni Graciella ang kanyang bibig. Bakit pakiramdam ni Graciella ay umiiwas si Menard? Para itong pamangkin niya na si Leya. "Mr. Young, sorry," paghingi niya ng paumanhin dito. "Sa susunod, hihingi muna ako ng permiso bago labhan ang mga damit mo." "Hindi ka dapat nag-so-sorry. Hindi mo gawain ang paglalaba. Gawain ng katulong 'yan at hindi naman kita katulong," paliwanag na ni Menard. Bakas pa rin sa guwaping mukha ang hiya sa ginawa ng kaharap. Mapakla ang ngiti na sumilay sa labi ni Graciella. Wala naman silang katulong kaya sino ang gagawa ng mga gawaing bahay? Nagtataka siya kung may kinagisnanv katulong ba itong si Menard at halatang hindi sanay sa gawaing bahay. "Salamat at hindi ka pala galit. Sa sus
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

chapter 013

Walang umimik sa kanilang dalawa. Namula si Menard at basta na lang kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang silid. Ginaya niya ang ginawa ni Graciella na pagtakbo pabalik sa silid. Pati na rin ang pabagsak na pagsara ng pinto. Sa totoo lang, nawala talaga sa isipan niya na may asawa na siya. Kampante na siya na basta na lang maglakad na tuwalya lang ang suot sa katawan. Nakatutok kasi ang atensyon niya sa nakahain na almusal sa lamesa. Naalala niya ang kanyang katulong na si Zenaida. Ganun almusal din ang hinanda nito para sa kanya kaya nawala sa isipan niya na iba na pala ang status niya ngayon. Naglalakad na si Graciella na bitbit ang mga dalang pagkain. Natatawa siya sa inasal ni Menard para itong babae na takot masilipan. Ano kasi ang ginagawa nitong naglalakad na towel lang ang balabal sa katawan tapos ngayon nahihiya ito sa kanya?
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

chapter 14 let's talk about family

       Namilog ang mata ni Graciella sa ginawa ni Menard.  Black card? Iilan ang may kakayahan na magkaroon ng ganung klaseng card. Napalunok siya.       "Gamitin mo ito sa tuwing maimili. Ayokong gumastos ka ng sarili mong pera para sa mga gastusin dito sa bahay. Ako ang lalaki kaya responsibilidad ko ito," kaswal na saad ni Menard.      "Napakagalante mo naman, Mr. Young. Paano kung gastusin ko ang pera mo sa luho ko?" Balik tanong ni Graciella. Gusto lang niyang malaman ang saloobin nito.       "Hindi naman marami ang laman niyan. Sakto lang na panggastos for everyday expenses," paliwanag ni Menard.      "Huwag na," tangi ni Graciella. Hindi naman niya alam hanggang kailan sila magsasama. Mahirap ng magkaroon ng utang na loob sa isang estranghero. Hindi niya rin ugali na maging mapagsamantala sa pinaghirapan ng ibang tao. Nakikita naman niya na mabait at honest na tao si Menard kaya hindi niya sasayangin a
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Chapter 15: Nakapagtataka

  Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat?       Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang.  Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera.      Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay.      "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin.       Hindi umimik si Graciella.      "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sin
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

chapter 16: kakaiba ka

     Malalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis.       Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike!      Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa.       Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

chapter 17: Madaling makuntento

     Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto.      Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya.       “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito.      “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella.       “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard.        “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

chapter 18: Chill na kuya

“Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa

chapter 19: Don't talk nonsense

       “Lugi naman kung two thousand per night lang ang bayad,” reklamo pa ni Sheila.      “Ano ba ang gagawin?” tanong ni Graciella.      “Stand in waitress. Pero formal dress ang kailangan isuot while on duty,” paliwanag ni Jeron.      “Alam ko may ganitong style eh. Kapag may malalaking event ang mga hotel ganito ang ginagawa nila. Ihahalo ng hotel ang mga naka formal dress na servers para mas maiwasan ang mga minor accidents,” singit ni Sheila. “Pwede kang kumain at uminom habang naka duty. Kailangan mo lang talaga humalo sa crowd para hindi halata na server ka talaga.”       “Para lang silang nagtapon ng pera kung ganun?” naguguluhan na saad ni Graciella. Mayroon palang ganun na magbabayad sila ng mga tao para maging display lang.      “Gusto kasi ng mga organizers na parang maraming tao ang pumunta. Additional publicity kasi ‘yon para sa kanila,” paliwanag naman ni Sheila sa kaibigan. “Ka
last updateHuling Na-update : 2025-01-30
Magbasa pa

chapter 20: Kasabay na overtime

     Kinilabutan si Graciella. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Halos kadugo na ang turing ko sayo. Huwag mo na pangarapin na maging maghipag pa tayo. At saka isa pa may asawa na ako. Ang bait kaya ni Mr. Young sa akin,” rason pa ni Graciella. May asawa na siya at hindi nakikita ang sarili na nagkagusto pa sa ibang lalaki.       “Nagmamadali ka kasi magpakasal hindi mo pa naman lubos na kilala si Mr. Young. Do you hear what you call him? You don’t even call him hubby,” dahilan pa ni Sheila.     “Baka hindi naman totoo ang marriage certificate niyo?”         Pinulot na ni Graciella ang kanyang paint brush at pinagpatuloy ang painting. Isa iyong tanawin na may bulubundukin at ilang uri ng colorful na ibon. Ayaw na niyang makipagtalo sa kaibigan.       “Kailangan mo lang naman maghanap ng guwapo at mayaman,” pagpilit pa rin ni Sheila sa kaibigan. Nanghihinayang kasi siya sa kaibigan na basta na lang sa ordinaryong lal
last updateHuling Na-update : 2025-01-31
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status