Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Danica papunta sa OB na kilala niya at pagkatapos ay pupunta kami sa puntod ni Mama. I missed her so much, kailangan niyang malaman na may apo na siya. Sayang nga lang ay hindi niya ito makikita. “It’s good news, Miss Diana. Maganda ang sitwasyon ng pagbubuntis mo, sana panatilihin mo ito. Dapat palaging healthy lang ang kinakain at iniinom mo, pati na rin ang environment mo,” paliwanag ng doctor at binigyan niya ako ng mga listahan na dapat gawin. “Thanks Doc.” Ngumit ako sa kanya at nakipagkamay. Hawak ko ang kamay ni Danica papalabas ng office ng doctora, naglalakad kami palabas ng entrance sa ospital nang biglang may huminto sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Danica, nagtataka. “Kuya, ano pong problema?” si Danica ang nagtanong sa dalawang lalaking humarang sa amin. “Sumama po kayo sa amin,” sabi ng isang lalaki na naka-army cut. Well, pareho naman silang naka-army cut pero mas malaki ang katawan ng lalaking nagsalita. “Sumama saan? Pas
Last Updated : 2025-03-12 Read more