“Dad oh,” sabi ni Ten sabay abot ng panyo niya kay Manzo.Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi dahil kanina pa ito walang humpay sa pag-iyak.“She knew, right?” tanong ni Manzo na malalaki ang butil ng luha sa mga mata.Ngumiti si Ten at tumango.“Alam na niya yata kung ano ang ibig sabihin ng ayah. Sinabi siguro ni Lucio.”Tumingala si Manzo, sobrang saya niya na halos hindi niya alam anong sasabihin niya.“Dapat sa Sabado, lahat ng pagkain na lulutuin e masarap. Dapat lahat ng makikita ng anak ko ay maganda sa paningin niya. Dapat magustuhan niya ang bahay ko, Ten. Gusto kong maging perpekto lahat.”Ngayon pa lang, kita na ni Ten kung gaano kasaya ang father-in-law niya.“Opo dad. Ako na bahala doon.”Masaya siya. At least, sa kanilang dalawa ng father-in-law niya, may isa ng unti-unting naghihilom sa sakit sa pagkamatay ni Atisha.Samantala, umiiyak si Beth habang nasa loob siya ng elevator.Walang sinabi si Manzo na siya ang ama nito, pero sa nakikita niyang reaction kanin
Last Updated : 2025-03-10 Read more