Nanlalamig ang nyang buong katawan. Parang tumigil ang mundo niya sa pagsulpot ni Olivia.Napatingin siya kay Caleb... galit itong nakatingin sa kanya. Nakuyom nito ang mga kamao, halatang pinipigil ang sariling suntukin cya. Hindi lang si Caleb, pati ang mga magulang nila ni Yassy ang naghihintay ng paliwanag."Hunter…" mahinang tawag ng Mommy niya. Sa tono ng boses nito, halata ang pagkabigla at dismaya.Tiningnan niya si Olivia nang masama. Hindi niya akalaing susugod ito doon at guguluhin ang mundo niya. Ang usapan nila ay ang bata lang. Bakit ngayon ay parang pinipikot siya nito? Hindi pa siya handang sabihin sa mga magulang niya. Kumukuha pa siya ng buwelo, pero sa ginawa ni Olivia, wala na siyang kawala. Parang gusto niya na lang maglaho sa lahat ng problemang dumarating sa kanya."Hindi pa tayo sigurado, Olivia… Hindi pa sigurado kung anak ko nga ba yang nasa sinapupunan mo!" depensa niya sa sarili. Oo nga't may nangyari sa kanila, pero malay ba niya kung may iba itong kinikit
Last Updated : 2025-04-03 Read more