"Kaya mo ba kahit na magkalayo ulit tayo?" "Oo naman... Mahirap man pero kakayanin ko. That's how I love you, Yass. Saka pinapangako ko, hindi na ako hahadlang sa mga pangarap mo. Maghihintay ako hangga't kailan mo gustong magpakasal sa akin. Hindi kita mamadaliin, hindi kita pipilitin." Napangiti siya... "Totoo?" "Oo naman... Basta ba balikan mo ako?" Punong-puno ng pag-asa ang nababanaag sa mga mata nito. Hindi siya sumagot, bagkus ay tumayo siya at kumandong sa lalaki. Kinawit niya ang dalawang braso sa leeg nito. "I love you, Hunter... Hindi ko kayang magkatampuhan ulit tayo bago ako umalis. Ayaw kong maging miserable ang buhay ko. Gusto ko ay masaya lang palagi sa piling mo." "Damn, Yass... I love you too." Hinawakan nito ang mukha niya at siniil siya ng halik. "Thank you dahil muli mo akong tinanggap, babe. I'm so happy!" wika nito saka siya muling hinalikan. This time, it was passionate. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng halik. Habang naghahalikan sila, gu
Last Updated : 2025-03-12 Read more