3rd Person's Point of View* "Wow, what a perfect couple," ani ng mga tao sa kanila habang naglalakad sila ngayon. Lumapit na sila sa lolo at Lola nila dahil ipapakilala ni Amara si Dimitri sa kanila. "Happy wedding anniversary po," bati ni Dimitri sa nanay at tatay ni Amara at nagmano siya sa kanila. "Oh, sino itong kasama mong gwapong lalaki, nak?" Napatingin naman sila kay Dimitri. "Ako po---" "Ah, ikaw ba si Dimitri?" Nagulat naman si Dimitri dahil kilala siya ng mga ito. "Yes po." Hinawakan naman ng tatay ni Amara ang kamay nito. "Maraming salamat sa mga tinulong mo kay Amara. Palagi kang kinukwento sa amin ni Amara nung nasa america pa kayo. Ikaw na din diba ang naging daddy ng kambal?" Nahihiya namang napakamot si Dimitri sa batok niya. "Hindi ko alam na pinag-uusapan niyo pala ako. Darling, sana nakilala ko na sila noon pa man." Nanlaki naman ang mga mata ni Amara sa sinabi nito. "Ikaw talaga. Darling ka diyan." Hinawakan naman ni Dimitri ang kamay ni Amara. "
Huling Na-update : 2025-02-12 Magbasa pa