Nakabantay si Ismael sa asawa mula sa camera sa bahay, nang lumabas ito naghanda ito ng agahan para sa kanya.At alas-syete i medya pa lang ay maaga na itong pumasok sa trabaho, nag-iwan pa ito ng notes sa kanya.Hindi pa siya bumangon dahil puyat siya, halos alas-kwatro na rin siya natapos sa trabaho niya. Tumayo na si Ismael at pumunta sa bintana, maaliwalas na ang panahon at mainit na naman.Kagabi lang ay may mga baha na naitala sa kamaynilaan, pero pagsapit ng umaga ay maganda na naman ang panahon.Napatitig siya sa cellphone dahil may mga miss call na naman si Crissia, pero ayaw niyang masira ang umaga niya kaya pinatay na lang niya ang cellphone.May isa pa siyang cellphone para sa pribadong numero ng kanyang pamilya, at syempre nandito rin ang numero ni Julliane.Tumawag rin kagabi ang kanyang mga magulang na nasa Singapore ngayon. At nabalitaan ang nangyari kahapon.May mga mata at taenga ang mga ito, kaya hindi niya talaga maiisahan ang mga ito lalo na at si Julliane ang pi
Last Updated : 2025-02-15 Read more