Naalala ni Julliane ang nangyari kanina at nainis siya kay Crissia.Ang pagsasabi nito na imposible na hindi siya umiinom.Totoo naman talaga iyon, dahil alam niya sa sarili na kapag nakainom siya ng alak ay kahit ilang tunga lang ay nagiging tila bata siya.Ayaw na niyang mangyari iyon nong nasa Amerika pa siya, nalasing siya dahil sa kakulitan ng mga kaklase niya.Muntik na siyang mabangga ng sasakyan dahil sa tumatakbo raw siya palabas ng bar at hinahanap ang kanyang ina.Dahil sa nangyaring iyon ay natakot na ang mga kasamahan niya na painumin siyang muli ng alak.Tumayo si Julliane sa sofa at pumunta sa kusina, naalala niya na may ilan pang alak na naiwan ang kanyang ama at mamahalin ang mga ito.Tinago pa ito ng kanyang ina noon, kaya nagbukas siya ng isa sa kabinet at kinuha basta ang isa sa mga boteng nandito.Binuksan niya ito at kumuha ng baso, wala siyang pakialam, nandito naman siya sa bahay niya kaya okay lang.Matagal na rin naman iyong huli na malasing siya, pero nang m
Huling Na-update : 2025-01-14 Magbasa pa