Nagising si Julliane na masakit ang ulo kaya napaungol ito.Pero nang mapagtanto nito ang nangyari kagabi at kung paano siya napunta dito sa kama niya at bigla siyang napabangon.Iba na ang suot niya, at walang maalala sa nagdaan na gabi.Ang malabong alaala lang nito ay si Ismael na nasa ibabaw niya kaya napaungol na lang siya.Paano siya naging ganito? Ibig sabihin hindi siya nananaginip lang kagabi na nandito si Ismael!Ang coat ni Ismael na nakasampay sa kanyang upuan, at halos hindi siya makahinga sa kaba.Pinakiramdaman nito ang sarili at nang wala naman siyang maramdaman na kakaiba, bukod sa masakit ang ulo niya.Agad na lumabas si Julliane ng kwarto at bumaba, narinig niya na may tao sa kusina kaya dumiretso siya dito.Pero bago pa siya makagawa ng ingay na narito siya, nakita niya ang lalaki na naghahanda ng almusal, at biglang hindi niya alam kung paano magtanong.At bago pa humarap sa kanya ang lalaki ay agad siyang muling tumakbo paakyat sa kwarto niya.Mabilis na nagsipil
Abala sa trabaho si Ismael pero hindi nito makalimutan ang babaeng laging sumasagi sa kanyang isipan kanina pa.Hindi nito makalimutan ang nangyari kagabi kaya napahilot na lang ng noo nito ang lalaki.Pumasok ang sekretaryo nito at nilapag ang mga listahan ng trabaho niya para sa isang linggo.“Mr. Sandoval, may interview ka bukas sa isang magazine cover.“ Sabi nito kay Ismael na pinakita ang papel at napakunot ang noo dahil sa pangalan ng magi-interview sa kanya ay pangalan ni Julliane.Napangisi ng lihim si Ismael at mukhang kailangan nitong paghandaan ang muling pagkikita nila ng babae.Nang matapos sa trabaho niya si Ismael, pumunta siya sa club, ibinagsak ang sarili sa sofa, at saka kinurot ang kanyang kilay.Nagtaas naman ng kilay si Allen habang papalapit siya sa kaibigan.“Ano na naman problema mo?“ Tanong ni Allen dito kaya tiningnan lang ito ni Ismael pero hindi pinansin.Naalala ni Ismael ang interview sa kanya ni Julliane at hindi nito maiwasan na hindi mapangiti."May in
Hindi makapaniwala si Julliane na nandito ngayon ang kanyang byenan, na masamang nakatitig kay Mrs. Montes.“Excuse me, who are you?“ Tanong nito kay Mama Ana, lihim na napatawa si Julliane dahil hindi pala nito nakilala ang ina ni Ismael.O hindi lang nito nakilala dahil naka-shade ito at naka-mask.“Wow! Tignan mo nga naman akala ko ay makikilala mo ako Cornelia.“ Sabi ni mama na hinubad ang mask nito kaya nakita ni Julliane ang gulat sa mukha nito.“Analou! Anong ginagawa mo dito?“ Tanong nito pero hindi ito pinansin ni mama.Bagkus ay si Julliane ang tinignan nito at hinalikan siya nito sa pisngi.“Na-miss kita my princess, hindi ako makapaniwala na hahamakin ka ng babaeng ito.“ Sabi nito kay Julliane at tinignan ng masama nito ang babae sa harap nila.“Ikaw binabalaan kita Cornelia, kapag kinausap mo pa si Julliane para lang sabihin na layuan ang sarili niyang asawa ay hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin!“ Ito ang galit na banta ni Mama Ana kay Mrs. Montes bago siya nito hi
Pumasok si Julliane sa opisina na namumula pa rin ang mukha, kasalanan ito ni Ismael na hinalikan na naman siya.Nang makarating sa kanilang department si Julliane ay agad niyang binigay ang nakalap na interview mula kay Ismael.“Wow! You made it, thank you so much Julliane. I will give it now to magazine department.“ Sabi ni Miss Alora kaya napangitiang si Julliane at napaupo sa kanyang upuan.Si Mayi at Dina ay binati siya sa nagawa noyang trabaho.“Ikaw na talaga Julliane.“ Sabi ni Mayi na nakangiti lang dito.“Paano mo nakausap ang pinakamayamang tao na hindi ka nahirapan?“ Tanong ni Dina kay Julliane kaya napangiti naang siya dito.“Magaan naman na kausap si Mr. Sandoval, he is professional kaya natapos ko agad ang interview ko sa kanya.“ Nakangiting turan dito ni Julliane.Naging abala sila sa trabaho ng mga kasamanahan niya sa nakalipas na oras, at nang sumapit ang uwian ay inayos na agad ni Julliane ang kanyang mga gamit.Pero ang galit na si Evelyn ay bigla na lang sumugod di
Nawalan ng imik sa ilang sandali ang tatlo, may kanya-kanya silang iniisip at nang mapatingin si Ismael sa ina nito ay nakatitig ito kay Julliane.Gumaan ang pakiramdam ni Ismael, at napatitig rin kay Julliane na namumula ang mukha.Lalo itong gumaganda kapag namumula at nahihiya, tila ba gusto niyang haplusin ang pisngi nito kung wala lang ang ina sa kanilang harapan.“Bweno hindi na ako magtatagal, hija umuwi ka na rin ihahatid na kita.“ Sabi ng kanyang ina na napatingin sa kanya.“Ihahatid ko na kayong dalawa, mama hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na walang driver.“ Sabi ni Ismael sa ina na napatawa na lang.Kahit matigas ang ulo ng anak niyang ito ay lagi pa rin siya nitong inaalala.“Nilagay ko na sa ref mo ang pagkain na dala ko, make sure na kakain ka.“ Sabi ni Analou sa anak na napatango na lang.“Ipapahatid ko naman bukas ang para sa'yo Lian, bakit kasi hindi na lang kayo magkasama sa iisang bahay.“ Sabi nito sa dalawa na nagkatinginan na lang dahil sa huli nitong sinabi.Hi
Hindi naman nagtagal ay nakita na nila ang babae na naghihintay sa tapat ng isang cafe.Binuksan pa ni Ismael ang pinto para dito at sumakay ito sa likod.“Hello Julliane.“ Bati nito sa kanya kaya binati rin niya ang babae.Habang nagda-drive na si Ismael ay tumawag ang ina nito na agad na sinagot nito.“What!? Si lola?“ Gulat na tanong ni Ismael kaya kinabahan si Julliane.“Okay, we will be there mom, stop crying.“ Sabi ni Ismael sa ina na binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.“What happen Ismael?“ Tanong ni Crissia.“Si lola isinugod nila sa hospital.“ Sagot dito ni Ismael kaya kinabahan ng husto si Julliane.Dumating sina Isamel, Julliane at Crissia sa ospital. Inalalayan pa ni Julliane na makapaglakad si Crissia dahil nagmamadali si Ismael at naiwan sila nito.Nakita ni Julliane ang pag-aalala nito sa mukha, mahal na mahal talaga nito ang lola nito kaya tila hinawakan ng mainit na kamay ang puso ni Julliane.Nakarating sila sa kwarto na kung nasaan ang lola ni Ismael at agad si
Nagpaalam na rin si Julliane sa dalawang matanda dahil pinipilit na siya ng mga ito na umuwi na.Kahit ayaw pa nitong iwan ang lola ay pinauwi na siya ng mga ito, wala naman na dapat siyang ipag-alala dahil maganda na ang pakiramdam ni Lola Katarina.Nagulat si Julliane dahil nandito pa pala si Ismael, naghihintay sa kanya.“Anong ginagawa mo dito? Naihatid mo na ba si Ate Crissia?“ Tanong ni Julliane dito kaya bahagya lang itong tumango.“Tara na, ihahatid na kita.“ Sabi nito kaya napakunot ng noo si Julliane pero sununod pa rin dito.Nakasakay na sila sa sasakyan ni Ismael na wala silang imik sa isa't isa.“Don't mind the conversation between lola and Crissia.“ Sabi nito mayamaya kaya napatingin dito si Julliane.“Bakit hindi ka nagsalita kanina? Hindi mo pinagtangol ang nobya mo, magiging asawa mo na siya kapag napawalang bisa na ang kasal natin.“ Lakas loob na turan ni Julliane dito.“I said to mind ito, but can you please be a little kind, maawa ka lang sa akin, sa lolo at lola s
Kakaiba ang nasa paligid ni Julliane ngayong araw dahil lahat ay nakatingin sa kanya pagpasok pa lang nito sa trabaho.Hindi nito alam kung ano ang problema pero kinakabahan siya na hindi mawari.“Julliane halika dito.“ Tawag sa kanya ni Mayi at Dina kaya agad siyang sumunod dito.“May problema ba?“ Tanong nito sa dalawa na si Mayi ay hawak ang cellphone at pabalik-balik na nakatingin sa kanya at sa cellphone nito.“Magkamukha talaga sila diba?“ Tanong ni Mayi kay Dina na agad naman na tumango.“Ikaw ang nasa internet Julliane.“ Sabi ni Karen na lumapit sa kanila kaya napakunot ng noo si Julliane.“Ito oh, may blind item kilala naman talaga ang mga Sandoval na pinakamayamang angkan sa buong bansa. At ito si Ismael Sandoval ay namataan na may ka-date na hindi kilalang babae kagabi.“ Mahabang sabi ni Mayi na pinakita sa akin ang nasa isang post ng isang hindi kilalang tao.Biglang kinabahan si Julliane dahil siya nga ang babae na naka-side view, pero ang mukha ni Ismael ay kitang-kita s
Tahimik lang si Julliane habang nakasakay sa kotse ni Allen dahil sinundo siya nito pagkatapos ng trabaho nito ngayong araw.Malamang iisipin na naman ng mga nakakita dito na bago na naman ang lalaki niya.Hindi ito pinansin ni Julliane at napatingin na lang sa labas ng bintana.“Saan mo gustong kumain? Mag-miryenda muna tayo.“ Tanong ni Allen mayamaya kaya napatingin siya rito.“Kahit saan.“ Sagot dito ni Julliane, napansin agad ng lalaki na wala ito sa mood.Naaawa siya rito at nakita nito ang matamlay nitong katawan.Hindi naman sila nag-away ni Ismael, dahil si Ismael nga mismo ang nagsabi dito na sunduin ngayon si Julliane.Dinala ni Allen si Julliane sa isang kainan na overlooking ang view sa dagat ng Manila Bay.Isang restaurant na madalas nitong puntahan kung gusto nito na mapag-isa o magmuni-muni.“Nasaan tayo?“ Tanong ni Julliane dito kaya napatingin si Allen dito.“Nandito pa rin tayo sa Manila, halika ka na baba na tayo.“ Sabi ni Allen kay Julliane kaya tumango lang ito.N
Hindi halos maisubo ni Julliane ang pagkain sa kanyang bibig dahil wala siyang gana.Dagdag pa ang mga nabasa niyang komento sa internet tungkol sa kanya.“Don't mind the social media Miracle!“ Napatingin si Julliane kay Ismael na nakakunot ang noo.“Paano hindi kung lahat ng halos nababasa ko ay pabor sa babae mo!“ Hindi napigilan na sabi nito sa lalaki na napakunot ang noo.“I told you to don't mind it okay, hangga't hindi ka nagsasalita wala silang magagawa hangang salita lang sila.“ Sabi naman ni Ismael kaya hindi na nakipagtalo pa si Julliane dito at pinilit na kumain kahit ilang subo lang.“Magpapahinga na ako may pasok pa ako bukas.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatitig sa kanya si Ismael at hindi na nagsalita pa.“Good night.“ Bulong lang ng lalaki sa kanya kaya naglakad na siya palabas ng kusina.Kinabukasan ay maagang pumasok sa opisina si Julliane, sinalubong siya ni Mayi at Dina na nag-aalala sa kanya.“Okay ka lang ba? Napanood namin yong ginawa ng babae.“ Bulong ni Mayi
Napatingin si Gilan sa among babae na kanina pa sigaw ng sigaw sa likod ng sasakyan.Nagda-drive na ito pabalik sa ospital dahil tapos na ang palabas kanina.Nagwawala ito at tila baliw na nagwawala, panay ang mura nito at panay bangit sa pangalan ni Julliane.Gustong sawayin nito ang babae pero tiyak na madadamay lang siya sa galit nito.“Nasaan ang cellphone ko!“ Sigaw nito habang panay pa rin ang sigaw at mura.Hindi nito inaasahan na ganon ang magiging outcome ng kalokohan nito.Siya mismo sa sarili ay imposible na kagatin ni Julliane ang pag-papaawa nito dito kanina.Kahit sino naman ay hindi maniniwala dito kung alam ang totoo nitong ugali, nagpapangap na lang din itong may sakit.Pero sa isip ni Gilan ay mas makabubuting si Ismael mismo ang makakahuli sa kasinungalingan nito.At kapag dumating ang araw na iyon ay tatawa na lang siya sa isang sulok.—“Anong ginagawa mo? Halika ka dito at mag-usap tayo.“ Sabi ni Ismael kay Julliane.Seryoso ang boses ni Ismael, pero kailangan ni
Gusto nang mapatawa ni Julliane sa kadramahan ng babae.Noon nakakaramdam pa siya ng takot o awa dito dahil hindi na niya alam ang totoo nitong ugali.Takot pa siya na makapagsalita dito ng hindi maganda, dahil natatakot pa siya sa sasabihin ni Ismael.Pero ngayon halos wala siyang maramdaman dito.Lumingon si Gilan sa kanya sa pagkakaalala sa pangalan ng lalaki at tumingin kay Crissia matapos itong marinig.Nandito na rin si Miss Alora na nakiusyoso na rin sa kanila, napatingin ito kay Crissia at sa kanya.Sa isip ng babae ay ito ba ang nobya ni Mr. Sandoval? Ito ang nagmukhang kabit dahil asawang legal ng nobyo kuno nito si Julliane.Now she understand, why Julliane hiding her marriage to Mr. Sandoval from the public.Artista at modelo ang babaeng ito na magaling umarte sa harap ng ibang tao, may mga narinig na siya na totoong ugali ng babaeng ito.Masyadong mataas ang tingin sa sarili, pero isang araw bigla na lang itong nawala sa limelight.Hangang sa nag-announce ito na may malub
Ilang sandali pa silang magkayakap ni Ismael, pinapakiramdaman ang bawat isa. Minsan naisip pa rin ni Julliane na maaaring gumawa siya ng hindi nararapat. Nang dahan-dahang dumikit ang dalawang manipis nitong labi sa labi niya, sinalubong niya ito. Walang pakialam kung bagong gising sila, at hindi pa nagto-toothbrush. Galit si Ismael sa maduming bagay, pero pagdating sa mga labi ni Julliane na tila hinihigop siya ay walang itong pakialam. Ang napakatamis nitong mga labi ay talagang nagbibigay ng ginhawa sa kanyang damdamin. Mayamaya lang ay si Julliane na ang kusang nagtulak kay Ismael, hindi na naman kasi ito makahinga. Matapos nito ay bumangon na sila pero umupo lang muna sa kama si Ismael. Si Julliane ay kinuha ang panli sa buhok at basta lang tinali ang buhok nito. Pinanood lang ni Ismael ang asawa nito na nagbubukas na ng kurtina, at saka inayos ang kanyang jacket na basta lang niyang tinapin sa sofa. "Do you want to come with me? To have lunch with her?“ Tanong ni Isma
Naging maayos na lagi naman sa maghapon ang trabaho ni Julliane, medyo pagod nga lang siya habang nagliligpit na ng mga gamit.Kanina pagpasok niya ay normal naman ang lahat, tila walang nangyari kahapon.Bagay na ikinapanatag ng loob ni Julliane.“Okay ka na ba?“ Tanong ni Miss Alora sa kanya kaya agad naman na napatango at ngumiti si Julliane dito.“I am fine now Miss Alora.“ Nakangiti niyang sagot dito kaya napangiti lang ito at saka na ito umalis.Ngayon na alam na rin nito ang tungkol sa kanya bilang may asawa ay nagpapasalamat si Julliane dahil hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya.Mas naunawaan pa siya nito at sapat na iyon para sa kanya.Nakatangap ng tawag si Julliane habang pababa na sila ng dalawang kaibigan, lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil si Ismael ito.“I am already here babe.“ Sabi nito sa kabilang linya kaya napangiti na lang siya.Tinudyo siya ng dalawang kaibigan kaya lalo siyang namula.“Ang swerte mo sa asawa mo Julie, gwapo na, matyaga ka pang sinusun
Hindi alam ni Julliane kung paano haharapin si Ismael sa araw na iyon.Nagising ito na magaan ang pakiramdam pero kabado pa rin.Bumangon na lang ito at agad na pumunta ng banyo para maligo, may pasok pa ito at maaga na lang itong pupunta ng opisina.Maraming kailangan na tapusin si Julliane, kailangan lang nito na abalahin ang sarili para hindi maalala ang nangyari kahapon.Nakatapos na si Julliane magbihis ng may kumatok sa kanyang kwarto.Ni-lock niya ang kwarto kanina bago maligo kaya malamang si Ismael iyon.“Good morning gising ka na pala.“ Nakangiting bati ni Ismael sa kanya kaya binati niya rin ito.“Ihahatid ko ang pagkain mo dito sa taas, dito ka na muna.“ Sabi nito na ipinagtaka ni Julliane.“Teka bakit? Bababa na lang ako.“ Sabi dito ni Julliane pero kinuha nito ang cellphone at sumenyas na sandali lang.Hindi maintindihan ni Julliane kung bakit ganito ang inaasta nito ngayon pero umupo na lang siya sa kama.Nang gusto niyang magtanong muli ay narinig niyang tumunog ang ce
Si Ismael ay kontrolado ang damdamin dahil alam nito na takot ang asawa sa mga sandaling ito.Lumabas ito ng sasakyan at agad na pinalabas ang asawa na agad naman kumapit sa kanya.Mahina itong napamura ng makita ang nangingitim nitong pisngi, ang lapat ng isang palad na tumama sa pisngi nito ay sapat na para tila sumabog ang puso nito sa galit.Pumasok sila sa loob at dahan-dahan niyang kinabig payakap sa kanya ang asawa.“Oh, God! Miracle how can i take you away from them!“ Bulong niya dito na naramdaman niya na umiiyak na ito.“I am so sorry, Ismael.“ Bulong nito pero umiling lang si Ismael.Isang katahimikan ang namagitan sa dalawa na pinapakiramdaman lang ni Ismael ang asawa.Alam nito na nasaktan ito ng husto at gusto niyang may gawin agad.“Tell me Miracle, what did that old woman told you!?“ Gigil na tanong nito kay Julliane kaya natigilan ito.“Hindi na kailangan pa na malaman mo Ismael, kasalanan ko naman nobya mo ang anak niya at tama ito sa mga sinabi nito.“ Sabi ni Jullia
Nang matapos sila sa pagkain ng tanghalian ay bumaba na rin sila.Kahit hindi pa naman time ay kailangan na nilang bumalik sa department nila.“Julliane sakto nakita kita.“ Nasalubong nila si Miss Alora na nakangiti, kaya nagkatinginan naman sila nina Mayi at Dina.“Do you need anything ma'am?“ Tanong ni Julliane dito kaya tumango ito.“Mauuna na kami sa loob.“ Sabi ni Mayi kaya napatango lang dito si Julliane.“Come one doon tayo meeting room mag-usap.“ Sabi nito kay Julliane kaya sumunod siya dito.“I have project for you nakita ko yong mga gawa mo na drafts sa isang writing website.“ Sabi nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.“That was just my hobby.“ Sabi ni Julliane dito.“Why don't you make it to physical book? Your story has a million views and still the reader are loving your works.“ Sabi ulit ni Miss Alora kaya napakuyom ang kamao ni Julliane at kinabahan.“Wala po akong balak, at isa pa ay isa lang iyong libangan.“ Sabi pa rin ni Julliane kaya napatawa ito.“Give it a try