Sa gabing iyon, si Maya ay nakaupo sa kanyang kama, tahimik na iniisip ang mga nangyari. Sa loob ng maraming linggo, patuloy siyang umaasang magkakaroon ng kaliwanagan mula kay Ash, pero wala siyang natanggap kahit anong paliwanag. Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang mag-ring ang telepono niya. Si Ava ang tumatawag. “Maya, alam kong gabi na, pero kailangan mong pumunta sa NovaSpire office ngayon,” sabi ni Ava, ang boses nito puno ng urgency. “Ano? Bakit? Ava, gabi na! Ano na namang iniisip mo?” tanong ni Maya, pero naramdaman niyang may kakaiba sa tono ni Ava. “Trust me, girl. Just get dressed and go. Alam kong matagal mo nang hinihintay ‘to.” Hindi na nagtanong pa si Maya. Sa puso niya, alam niyang si Ash ang dahilan kung bakit bigla siyang pinapapunta ni Ava. ---Pagkarating ni Maya sa NovaSpire office, tahimik ang buong gusali. Ang tanging naririnig niya ay ang mahina niyang hakbang habang papunta siya sa opisina ni Ash. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang na
Last Updated : 2025-01-20 Read more