(PAST)KHALESSI MONDRAGONTatlong buwan na nang sagutin ko si Fabian at walang araw na hindi niya ako ini-spoil sa mga gusto ko. I mean, he does that when he’s still courting me, pero iba ngayon.Kahit busy siya sa Makati dahil sa trabaho niya, dinadayo niya pa rin ako dito sa Taguig. Malapit lang naman, pero hindi maiiwasan ang traffic lalo na ‘pag rush hour.“Pagod ka, hindi mo naman kailangang puntahan ako, Fab,” malumanay kong saad sa lalaki nang makitang inaantok siya.Napahikab siya saglit at tinignan ako ng may ngiti sa labi. “Small things, baby,” aniya saka kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon.Nasa loob kami ng sasakyan niya—ng kaibigan niya habang patungo sa favorite restaurant namin. KFC. Hindi naman malayo, pero galing pa ako ng school, sa huling klase ko.“Small things ka diyan! Paano kung makatulog ka habang na biyahe? Edi kasalanan ko pa? Naiintindihan ko naman kung pagod ka, Fab. Don’t push yourself, okay?”“I love you,” he said while clasping our hands together. I su
Last Updated : 2025-02-24 Read more