Dahan dahan na inaalis ng Doctor ang benda sa mata ni Brix. Sa una walang ma aninag ang kanyang kaliwang mata.Hanggang sa unti unting lumilinaw at nanibago siya sa kanyang bagong mata.Pagkatapos ay tumingin siya sa salamin.Halos maluha luha siya ng makita ang kanyang sarili di niya alam kong matutuwa siya or maiiyak dahil ang mata ng kanyang kuya ang kanyang dala."Brix kumusta ang inyong pakiramdam?'' Nakangiting tanong ng doctor. "Masaya doc na diko maintindihan,labing limang taon akong nasanay na nakasalamin,kaya nakakapanibago.'' ''Ok lang yan masasanay ka rin, ayan oh litaw na litaw na ang iyong kapogian'' Napangiti na lang siya sa doctor.Hindi naman talaga maikakaila na guwapo si Brix .Ang mukha nito ay naiiba sa kanyang kuya.Maskulado kung tingnan ang katawan dahil sanay ito sa iba't ibang work out na binagayan ng mukhang di mapipigilang mapalingon ang kahit sino.Dahan dahan siyang naglakad dahil tila dipa niya mabalanse ang kanyang mata.''Oppss,dahan dahan ka muna Brix ha b
Huling Na-update : 2024-12-28 Magbasa pa