All Chapters of Illicit Desire #1: Warmth Of His Touch: Chapter 11 - Chapter 20

49 Chapters

CHAPTER 10: VOLUNTEER

SERYOSO at nakabusangot si Geralt habang nagmamaneho pauwi. Si Genesis ay prenteng nakaupo lang sa backseat at nakasuot ng seatbelt para sa protection. Nakakunot ang kaniyang noo habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa tinatahak nilang daan habang nagmamaneho. Humihigpit rin ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa frustasyon. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam talaga siya ng inis sa mga oras na iyon. Galing sila sa restaurant ni Keith. Nang makita niya ang nakakalat na mga papel sa sahig at si Ariah ay kaagad siyang lumapit upang tulungan ito sa pagpulot. Ngunit hindi lang iyon ang inaasahan niya dahil pati si Keith ay biglang lumapit at tumulong. Hindi niya lang alam ngunit hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig ng kaibigan niya kay Ariah. Sa paraan ng pagtitig nito sa babae ay mukhang nagkaroon rin ito ng interes. At sa mga oras na iyon ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya alam kung ano. Basta kapag nakikita niya si Keith na nakatitig kay Ariah a
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

CHAPTER 11: DRIVE HOME

MAAGANG nagbukas ng paaralan si Ariah. Kaagad niya namang inayos ang mga upuan pagkapasok niya. Pati rin ang mga gamit niya sa desk ay inayos niya rin ang pagkakalagay. Ayaw niya kasing magulo ang loob ng classroom pag papasok siya. Gusto niya ring maayos ang lahat bago magsidatingan ang mga estudyante. Nag-aayos na siya ng mga documents sa laptop niya habang nakaupo sa desk niya. Ilang oras ang lumipas ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila na kaagad niyang binati. Naghintay pa siya ng ilang oras dahil may iba pang bata ang hindi pa dumadating. Kabilang na si Genesis. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na yung iba. Si Genesis na lang yung kulang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Hindi siya pwedeng nag-antay para sa isang estudyante lang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ituloy ang klase sa mga bata. Nagdiscuss muna siya tungkol sa arts at kung ano ang mga steps ng pagguhit. Pagkatapos ay nagpagawa na siya ng tasks sa mga bata
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

CHAPTER 12: BABYSITTER

MAAGANG nagising si Ariah para pumasok. Nag-aasikaso na siya ng sarili pati na rin ng pang-umagahan niya. Ganun naman palagi ang routine niya tuwing umaga. Nang matapos niyang gawin ang mga gawain ay si Shawn naman ang inasikaso niya. Pinaliguan, binihisan at pinakain na niya ang bata. Hinandaan na rin niya ng makakain at damit sakaling kailangan nito mamaya. "Baby ko, sa kapitbahay ka muna natin ulit ha? Papasok na naman kasi si Tita-mommy mo. Babalikan kita ulit, okay?" Sambit niya habang hinahalik-halikan ang noo at pisngi nito. "Tara na, baka malate na ako baby." Saka niya kinuha ang bag na may nilalaman na mga gamit ng bata. Medyo nahirapan pa siya dahil dalawang bag ang dala niya habang karga naman niya si Shawn. Aminado siyang mabigat na si Shawn dahil lumalaki na ang bata, at wala na yata itong igagaan dahil ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang braso. "Naku, baby. Ang bigat mo na pala." Reklamo niya na may kasama pang biro. Pagkalabas niya sa apartment ay kinand
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

CHAPTER 13: GENESIS'S NEW PLAYMATE

"OKAY, class dismissed." Matapos iyong sabihin ay isa-isa na niyang iniligpit ang mga art papers na pinasa ng mga bata bago sila nagsialisan kasama ang kanilang mga magulang. As usual, naiwan na naman sila ni Genesis. Pinahintay muna niya si Genesis dahil may mga liligpitin pa siya. Pagkaraan ay inayos niya muna ang mga upuan. Nang makitang maayos na ang lahat ay tinawag na niya si Genesis at lumabas saka nilock ang pintuan ng classroom. "Alright, let's go baby. Time to go. Your uncle might be waiting for you outside." Saad niya na kaagad namang tumango si Genesis. "Hm! Let's go, Teacher Pretty!" Masayang sambit nito bago hinawakan ng maliit nitong kamay ang kaniya. Tumatalon-talon pa ito habang naglalakad sila palabas. Tuwang-tuwa naman siya sa bawat kilos nito. Ang kulit lang at ang cute rin. Nang nasa labas na sila ng building ay nasilayan na nila si Geralt na nakaupo sa driver seat habang nilalaro niya sa kandungan ang kaniyang pamangkin na si Shawn. Tuwang-tuwa i
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

CHAPTER 14: YUMMY

"UYY, ano yung nababalitaan ko na may gwapo at machong lalaki daw ang pumupunta dito sa labas ng apartment mo?" Tanong ni Emily kay Ariah nang makapasok ito sa loob ng apartment niya. Kakapasok lang eh may nakalap na namang chismis. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang buhok ni Shawn. Tapos na niya itong paliguan at bihisan. Nakaligo at nakabihis na rin siya. Maya-maya lang ay darating na si Geralt para sunduin sila. "At saan mo na naman ba nakuha ang impormasyong iyan? Ang aga-aga, iyan kaagad ang bungad mo sakin." Ipinagkrus ni Emily ang kaniyang mga braso at tinaasan siya ng kilay. Para siyang nanay niya na gustong manermon. "Saan pa ba? Edi, sa mga kapitbahay natin. Inday, baka nakakalimutan mo. Malapit lang ang apartment ko sayo, kaya rinig na rinig ko ang mga komento ng mga Marites sa labas." Saad nito bago lumapit sa direksyon niya. "At ano yung sinasabi nilang nakita ka daw na sinundo at hinatid ka daw nung gwapings? Naku, ilang araw lang akong busy sa work tapos pagb
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

CHAPTER 15: SIMILARITIES

HINDI maiwasan ni Ariah na humanga habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay nila Geralt habang karga niya si Shawn. There, she saw lots of fancy and expensive things. She roamed around the living room which is quite luxurious and fancy, decorated with gold and white furniture. Masasabi niyang hindi lang mayamang tao ang nakatira rito. Sobrang yaman pa, base sa kaniyang nakikita. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaganda at kalaking bahay sa tanang buhay niya. Dahil hindi siya nakaranas ng magandang buhay, sobrang humanga talaga siya sa nakikita. Bilang isang simpleng tao na nangungupahan lang sa isang mumurahing apartment, hindi niya mapigilan na mainggit sa magandang buhay nila Geralt na lumaki sa maragang bahay at may marangyang pamilya. "Feel yourself at home." Hindi niya mapigilan na mahiya sa sinabi ni Geralt. Feel at home. Ang sarap pakinggan, feeling niya ay nakatira siya ngayon sa magarang bahay. "Teacher Pretty!" Napatingala si Ariah sa hagdanan kung saan ay tu
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

CHAPTER 16: BAKING A CUPCAKE

KASALUKUYANG nasa kusina si Ariah. Nagboluntaryo siyang tumulong kay Jeanna na gumawa ng cupcakes since wala naman siyang ginagawa. Nasa sala lang naman si Genesis at Shawn, naglalaro. Sigurado naman siya na hindi lalayo ang dalawang bata dahil may nagbabantay naman na katulong sa kanila. Buti na lang at marunong rin siyang magbake. Tumutulong kasi siya dati sa Ate niya na magbake kaya may mga natutunan din siya. Nag-eenjoy naman siya kahit papano sa pagbibake. "Wow! Ang ganda niyan ha. Ang ganda ng pagkakadesign ng icing." Napangiti siya sa papuri ni Jeanna sa gawa niya. Naglagay kasi siya ng pormang bulaklak na icing sa ibabaw ng cupcake. Tapos nilagyan niya rin ng sprinkles sa dulo ng icing. Yung iba naman ay may iba't ibang design. "Hindi ko alam na marunong ka palang magdesign. Kailan ka pa natutong magbake?" Tanong nito. "May nakapagturo lang sakin dati. Mas marunong pa saking magbake." Sagot niya habang inaalala ang nakaraan kasama ang kaniyang Ate. "Nakakainggit naman, m
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

CHAPTER 17: FILIPINO RECIPE

"HUY, kayong dalawa dyan. Di pa rin kayo tapos?" Sabay silang napalingon kay Jeanna nang sumilip ito sa kusina. Kaagad na lumayo si Ariah kay Geraltat umiwas ng tingin. Kinuha na niya ang tray ng cupcakes at nagsimulang maglakad palabas. "Dadalhin ko lang to sa sala." Saad niya nang hindi lumilingon sa dalawang magkapatid. Nang makalabas siya sa kusina ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya pag nanatili pa siya sa loob. Nakita niyang kumakain na si Genesis at Shawn. At dahil walang kamuwang-muwang pa ang bata ay pinaglalaruan lang nito ang pagkain. Sayang naman yung cupcake. Nagkalat pa sa mukha at damit nito ang icing. Bata nga naman. Si Genesis ay ganun rin, pero hindi naman siya masyadong nadumihan ng icing, sa gilid lang ng bibig. Ang cute nilang tingnan. "Teacher Pretty! Come and eat with us! My mom brought us cupcakes!" Masayang paanyaya ni Genesis sa kaniya habang kumakain. "Sure baby. Here, I brought another cupcakes.
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

CHAPTER 18: GET TO KNOW EACH OTHER

GULAT na nakatitig si Ariah kay Geralt na ngayon ay nasa harap niya na nakatayo sa apartment. Kakatapos pa lang niyang mag-asikaso ng sarili. Tapos na rin niyang bihisan si Shawn, ngayon ay paalis na sana siya. Nang marinig ang pagtunog ng doorbell sa labas ay nagtaka siya dahil hindi naman iyon gawain ni Emily. Basta na lang iyon pumapasok ng hindi kumakatok. Gayunpaman ay lumapit pa rin siya karga si Shawn bago binuksan ang pintuan at bumungad sa harap niya ang matangkad at gwapong mukha ni Geralt. "Good morning." Nakangiting wika nito. Shet! Bakit nakakaakit ang ngiti niya. 'Umayos ka, Ariah. Ang aga-aga nagiging marupok ka na naman.' "U-uh.. y-yeah. Good morning rin, Mr—I mean, Geralt." Nauutal pa siya sa pagsasalita roon. "Anong ginagawa mo dito?" Nagkibit-balikat si Geralt bago inilabas mula sa likod niya ang kamay na may hawak na bugkos ng bulaklak. Umay! May pa-flowers si akla! Pakurap-kurap siyang tumitig sa hawak nitong bulaklak. Bakit may pa-flowers pa siyang na
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more

CHAPTER 19: JEALOUS

TULAD nga ng sinabi ni Geralt ay siya ang nagbantay at nag-alaga kay Shawn habang nagtuturo si Ariah. "Class, listen carefully. I have one simple question for you." Wika ni Ariah bago humarap sa pisara at nagsulat ng word na ART. Pagkatapos ay humarap siya muli sa mga bata. "What is Art.. Anyone? Who would like to answer?" Tanong niya at nilibot ang tingin. Hinihintay na may magtaas ng kamay at sagutin ang tanong niya. "Ma'am!" Nakangiting binalingan niya ng tingin ang batang babae na nagtaas ng kamay. Ang cute niya lalo na sa paraan ng pagkakatali ng buhok niya. "Alright, stand up Kreisha." Utos niya na sinunod naman ng bata. "Ma'am, Art is a creative activity." Yun lang at umupo na ang bata. Tumango naman si Ariah bago naglakad patungo sa desk niya. "Okay. Thank you, Kreisha. But besides that, who else wants to answer? Yung pinakatamang sagot talaga." Hinintay niyang may tumaas ulit ng kamay. Napalingon naman siya kay Genesis na nagtaas ng kamay. "Alright, Genes
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status