Mabilis ang kilos ng nurse at doctor sa paggamot sa kanyang kamay. Ni hindi na nga niya namalayan o naramdaman man lamang ang sakit doon. O dahil na rin iyon sa presensiya ni Craig. Ang buo kasing atensiyon niya ay nasa lalaki. Kinain ang sistema niya ng yakap, amoy, maging ang tibok ng puso nitong naririnig niya. "All done!" pahayag ng Doctor. Tapos na ang lahat pero nakayakap pa rin si Craig sa kanyang ulo. "All done Mr. Samaniego," ulit ng doctora. Mas nilakasan ang boses dahil baka hindi siya narinig ng lalaki. Dahil sa hiya ay si Maxine na ang kusang lumayo sa lalaki lalo na at may kakaibang himig ang tono ng babaeng doctor. Nang tignan niya ito ay nakangiti itong nakatitig sa kanya. "Thank you," utal niyang pasasalamat dito."I'll prescribe you some ointment para sa sugat," sabi nito kapagdaka. Habang nagsusulat ang doktora ng prescription ay pumaibabaw naman ang isang tinig ng babae sa paligid. Nakunot ang noo ni Maxine dahil pamilyar iyon. Malapit lang din ang pinanggaga
Last Updated : 2025-02-03 Read more