MAXI POV: Big Boy ang tawag ng bata, gawa sa handmade na tela, may hawak na baril na itinahi lang ng sinulid para manatiling nakadikit sa laruan.Dalawang dangkal ang taas at matigas ang laman, hula ko, mga tela na pinagtabasan ang nasa loob.At yong plastic na baril ay free lang sa nabibiling chichira na piso o baka dos lang ang isa.Ang mukha ng laruan, walang mata, ilong at bibig kaya nilagyan ko na rin kahit drawing lang sa pentel pen.Dito sa San Luis, maraming kabataan na ang mga laruan gawa sa bahagi ng mga puno, mga plastic na pinulot sa tabing aplaya o kawanggawa ng iilang mayaman.Posibleng ang nanay ni Gunter ay iisang mananahi.Pulido ang pinaka buhok ng laruan na gawa sa sinama-samang sinulid na lumang luma na.Katsa ang kabuuan. Marumi na sa sobrang kalumaan.Pero halatang binuo ng mapagmahal na kamay kaya naman matunog na halik ang nakuha kong gantimpala mula kay Gunter hindi ko pa man nalalagyan ng bigote.Ang tatay raw kasi niya, mahilig sa baril at may bigote.
Huling Na-update : 2025-02-10 Magbasa pa