ROCCO'S POV "Ano ulit ang pakiusap mo? Mrs. Diana Vitalle?" Nakangiting tanong ng Don.Bumuntong hininga naman ang ginang. "Don, sa labang ito. Kakampi mo ako, pero sana 'wag niyo na lang gagalawin ang asawa ko."Bahagyang natawa ang Don. "Wala naman kaming ginagawa sa iyong asawa, Diana." Kaswal na tugon ng Don. "Natatakot na siya dahil laging may sumusunod sakaniya, hindi ko nais na makita ang pangamba niya sa tuwing lalabas siya ng aming bahay." "At inaakusahan mo kaming, kami ang sumusunod sa iyong asawa?" Nakangiti pa ring tanong ng Don."H–hindi naman po sa ganun..""Kung ganoon, sabihin mo. Ano sa tingin mo ang pinunta mo rito sa aking mansyon?" May awtoridad na muling tanong ng Don.Napayuko si Mrs. Vitalle."Paumanhin po Don, pero wala po akong ibang maisip na pwedeng magbantay sakaniya. Kundi kay—""Tama," pagputol ng Don sakaniya. Agad siyang nag–angat nang tingin rito. "Kami nga ang sumusunod sakaniya," dagdag pa ng Don."Bakit po Don?""Dahil may hinala kaming may alam
Last Updated : 2024-12-20 Read more