Home / Romance / HIDING THE DEVIL'S DEAL / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of HIDING THE DEVIL'S DEAL : Chapter 11 - Chapter 20

39 Chapters

CHAPTER 10

"M–mommy..." Ngumisi ito. "Long time no see my dear daughter, kamusta ka naman na? Kung saan–saan kita hinanap andito ka lang pala?" Sarkastikong aniya.Akma kong isasara ang bintana pero agad niyang hinawakan ang kamay ko."Umuwi na tayo!"Sumilip ako sa labas ng bintana kung naka labas na ba si Frank pero hindi ko siya makita. "Sinong hinahanap mo?! Boyfriend mo? Hahaha! Pinatalsik ko na siya," parang nababaliw na dagdag niya.Nanlaki ang mga mata kong tumingin sakaniya."Anong ibig niyong sabihin?""Huwag nang maraming tanong! Open the door now!" Sigaw niya na pilit binubuksan ang pinto ng sasakyan pero hinahawakan ko ang siradura sa loob. "Hindi ako sasama sainyo!" "Huwag mong antayin na ipasira ko sa mga tauhan ko ang sasakyan na ito!"Dali–dali kong tinanggal ang seatbelt ko. Agad naman umaliwalas ang mukha ni mommy. "Good girl, now open the door and get out." Masama akong tumingin sakaniya at walang ano–ano'y sumampa sa driver's seat. Akma kong bubuksan iyon pero nabuksa
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

CHAPTER 11

ELLA'S POV Tatlong buwan na ang nakalipas at ngayon ay anim na buwan na ang tiyan ko na kasing laki na ng siyam na buwan. Ramdam ko na rin ang bigat nito, pero nagagawa ko pa rin namang makapaglakad kahit papaano. Ilang buwan na rin akong nakatira sa bahay ni Frank pero hindi nagbago ang pag–aalaga niya sa akin. Galing sa trabaho ay dumidiretso siya rito para asikasuhin ako. Kung tratuhin niya ako ay para niya na ring asawa. Kaya bilang pambawi ay pinagluluto ko siya ng sa ganon ay may nakakain siya pagka–uwi niya. Isang hapon, habang wala pa si Frank ay lumabas ako ng bahay at naglakad sa buhanginan papuntang dalampasigan. Hindi ako lumayo sa bahay, sakto lang na matatanaw ko ang payapang dagat.Agad na sumalubong sa akin ang napaka sariwang hangin. Nang magsawa ay kinuha ko ang cellphone at agad na nag–dial roon. Naka ilang ring ito bago nasagot."Hello?" Matamlay na sagot mula sa kabilang linya.Napangiti ako. Namimiss ko ang boses niyang 'yon. "Dad..""Sino 'to?""Ako po it
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

CHAPTER 12

Ilang ulit ko nang pinakiramdaman ang sarili ko kung may gusto na ba ako sakaniya pero ang tanging nararamdaman ko ay parang kaibigan lang. Oo, minsan gusto ko siyang tumayo bilang ama ng mga anak ko dahil napaka responsable niya.Hindi siya mahirap mahalin at magustuhan dahil bukod sa napakabuti ng puso niya ay swerte rin siya sa tindig at itsura. Gwapo siya, matangkad at may maganda ring pangangatawan.Kung ikukumpara ko siya sa taong nakabuntis sa akin, masasabi kong mas lamang pa rin ang isang 'yon. Ang mga mata noon ay kulay asul at ang ilong noon ay halos pwede nang pangtuhog sa sobrang tangos. Singkit ang mga mata niya at mala sleepy eyes ang mga ito. Maganda rin ang pangangatawan niya na kayang mang–akit ng sinumang dadaan. May maangas at nakakatakot siyang awra kapag wala itong emosyon. Pero kapag ngumiti naman ay parang anghel na. Higit sa lahat ay ang boses niyang napaka lalim at napakasexy. Iyong boses na may dalang hipnotismo na kayang magparupok ng sino mang babae. "I
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

CHAPTER 13

FRANK'S POVHininto ko ang sasakyan nang makarating kami sa harap ng malaking hospital. Bababa na sana ako pero masyadong nakakapang–akit ang ganda ni Mirella kaya pinagmasdan ko ang mala anghel niyang mukha habang mahimbing na natutulog.I couldn’t help but to smile, I've never expected that I had fallen for this woman. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero mas lalo itong lumala, simula pa lang noong mga panahong nagtatrabaho na siya sa kompanya ko. Napakaswerte ng taong umangkin saiyo. Ang taong ama ng mga anak mo. Minsan ko na rin siyang tinanong kung bakit ayaw niyang ipakilala o ipaalam sa ama ng mga anak niya na may nabuo sila sa isang gabing hindi inaasahan, pero tumanggi siya dahil natatakot siyang baka kunin ang mga anak niya rito dahil hindi naman siya nito mahal.Natatawa ako sa rason niyang 'yon kahit wala naman siyang kasiguruduhan. Kaya kahit sa maikling panahon ay inangkin ko ang responsibilidad dahil ang opinyon o desisyon niya ang mas mahalaga sa akin.
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 14

FRANK'S POVNang matapos kaming kumain ay agad ko siyang dinala sa mga damitan at namili roon ng mga damit para sa kambal. Tuwang–tuwa pa siyang makita ang mga maliliit na damit na naroon, hinayaan ko lang siyang pumili nang pumili ng mga gusto niya. Nang matapos kami roon ay agad kaming pumasok sa mga groceries at namili ng pang stocks sa bahay. Matapos ang isang oras na mamili ng mga groceries ay agad ko siyang hinatid sa sasakyan at doon na pinag–antay. Lahat ng ginagawa kong ito ay may rason. Pero hindi ko akalaing gagawin ko ito ng buong puso, dahil kahit walang mag–utos sa akin ay gagawin ko talaga ang bagay na ito. Dahil mahal siya ng puso ko.Hindi ko maitatangging mahal ko na nga siya at gusto ko siyang ipaglaban sa ngayon dahil ako naman ang nasa harapan niya. Umaasa rin ako na sa kabila ng lahat ng ito ay may nararamdaman ka rin para sa akin kahit katiting. Sana balang araw ay makita mo ang halaga nang pagmamalasakit ko saiyo, hindi ko ito ginagawa para humingi ng ka
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 15

SOMEONE'S POINT OF VIEW"Nahanap mo na ba?""Masyadong tago ang pinagtataguan ng babaeng 'yon boss," nakatungong sagot ko rito."Lintik! Masyado naman atang magaling magtago 'yon?" Galit na aniya."Nakakapagtaka nga boss, noong una ay nakikita pa namin siyang umuuwi sa isang iskwater area. Pero noong muli kaming nagbalik at nagtanong ay umalis na raw ito at may kasamang lalaki." Lalong kumuyom ang kamao ng Don sa narinig."Lalaki? Hinayupak! Hindi ako makakapayag na mapunta siya sa ibang lalaki!" Galit na sigaw niya."Baka naman tinago lang ng mga magulang niya.""Hindi iyon gagawin ng ina niya, masyadong hayok sa kapangyarihan ang babaeng 'yon at kahit sariling anak ay kayang ibenta." "Ganoon rin ba ang pananaw ng kaniyang asawa?" Seryosong tumingin sa akin ang Don habang nilalaro ang isang basong alak sa kamay."Gusto kong tiktikan niyo ang taong 'yon, malapit sakaniya ang anak niya. Sigurado akong may nalalaman siya," seryosong dagdag niya.Agad akong ngumisi. Ilang buwan muna a
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 16

ELLA'S POVIsang tanghali habang mag–isang nanonood ng palabas ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko roon ang pangalan ni daddy kaya nakangiti ko iyong sinagot."Hi, daddy." Masayang bati ko rito."Anak.." humahangos na aniya."What happen?""May sumusunod sa akin.." Nanlaki ang mga mata ko at walang ano–ano'y napatayo. "What? Nasaan ka ngayon?""Maayos na ako, nasa kotse ako ngayon at andito na sa harap ng bahay natin." "Hindi ka ba nila nasundan diyan?" Nag–aalalang tanong ko."Hindi. Hindi sila basta–basta makakapasok sa village natin dahil kailangan pa ng pahintulot iyon sa kung sino mang nakatira rito.""Paano ka nila sinundan dad?""Noong palabas ako ng kompanya, napansin ko agad na parang may nakasunod sa akin. Pero hindi naman ako sigurado dahil nasa highway ako at maraming kasabayang sasakyan kaya baka nagkataon lang," muling dagdag niya pa.Nagsimulang umusbong ang kaba sa didbib ko."Paano mo nalaman?" Kinakabahang tanong ko."Dumaan ako roon sa shortcut. Doon
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 17

ELLA'S POV "Good evening. Sorry I'm late," aniya.Amoy na amoy ko ang alak galing sa hininga niya."Uminom ka?" "S–sorry. Nag–kaayaan kami ng kaibigan ko," malumanay na dagdag niya."Bakit ka nag so–sorry? Ayos lang, umupo ka muna rito." Tugon ko at inalalayan siya sa sofa.Agad siyang naupo doon at hinubad ang sapatos niya."Teka, ikukuha kita ng tubig.."Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "H'wag na, maupo ka na lang rito." Aniya na itinuro ang tabi niya.Agad naman akong sumunod at naupo sa tabi niya."Namumula ang buong mukha mo, bakit ka nagmaneho ng lasing?""Kaya ko pa naman," malumanay pa ring aniya, halata sa boses na may tama na."Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong ulam." Umiling siya. "Ikaw? Kumain ka na ba?""Oo, kumain kana muna. Sasabayan kita," anyaya ko pa.Pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Malungkot ang mga mata niya.Kaya agad akong nakaramdam nang pag–aalala. "May problema ba?" Nag–aalalang tanong ko.Muli siyang umiling a
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 18

FRANK'S POV Ilang araw ko ng nakikita na tulala si Mirella at hindi ko 'yon pwedeng ipagsawalang bahala na lang. Alam kong may problema, nahihiya lang siyang magsabi sa akin at sigurado akong nag–aantay lang siyang mag tanong ako. Kaya isang umaga habang kasalukuyan kaming kumakain ay napagdesisyunan kong kausapin at tanungin siya. "What's been bothering you? Ilang araw na kitang nakikitang tulala," I seriously ask her. "Nag–aalala kasi ako," nag–aalalang sagot niya. "About what? Maybe I can help," muling tanong ko. Agad siyang nag–angat nang tingin sa akin, sinalubong ko naman iyon ng seryosong tingin. "Noong isang araw tumawag si daddy, may sumusunod raw sakaniya." Panimula niya. May problema nga. Kaya agad kong binitawan ang hawak na mga kubyertos at marahang sumandal sa kinauupuan at sabay na pinagkrus ang mga braso. Huminto naman siya at matamang pinagmamasdan ako. "Continue," utos ko nang napansin kong hindi na siya muling nagsalita. "Nag–aalala lang ako, dahil alam
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

CHAPTER 19

FRANK'S POV Sinundan ko ang sasakyan ng mga pasaway na nakasunod rin sa ginoo. Nang lumiko ang ginoo ay hindi nila ito sinundan kaya nagtaka ako, pero nanatili akong nakasunod sakanila.Agad akong tumingin sa likuran, may nakasunod rin sa akin. Agad sumilay ang ngisi sa labi ko, ngayon napagtanto ko na na ako na ang puntirya nila at hinuhulog nila ako sa bitag nila.Buti naman at may improvements na ang mga galawan ninyo, nakakasawa ring puro na lang akong nakasunod sainyo at puro na lang taga–butas ng mga sasakyan ninyo. Nakakapagod rin kaya.Nanatili lang akong nakasunod sa naunang sasakyan. Hanggang sa pumasok na kami sa isang madamo at maraming puno na lugar.Dumiretso lang ang naunang sasakyan hanggang sa huminto ito sa isang abandonadong lugar kung saan may isang malawak o malaking open space na may bubong pa. Huminto rin ang nasa likuran kong sasakyan kaya huminto na rin ako. Nakita ko agad na may limang mokong ang lumabas sa naunang sasakyan. Lumingon ako sa likuran at nak
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status