ROSENDA'S POV: "Uncle, wake up please, gumising ka na," saad ko habang mangiyak ngiyak na naman sa harapan niya. "Alam mo ba, si Molly, iniwan ko muna saglit kay Acee kasi hindi ko naman siya pwedeng dalhin dito sa Ospital tapos yung manager mo sa Hotel, hinahanap ka na," saad ko. "Uncle, miss na miss na kita, sorry, ipit na ipit lang talaga ako sa sitwasyon. Sana wag kang magalit sa akin," saad ko sabay yakap sa kanya kahit nakahiga lang siya at natutulog. Maya maya ay may biglang kumatok, kaya inayos ko ang sarili ko at pinahid ng marahas ang mga luha ko. "Yes?" tanong ko dahil tumambad sa akin ang isang babaeng naka formal attire at may suitcase ng buksan ko ang pinto ng Hospital room ni Uncle. "Ako nga pala si Atty. Crisan Bermejo, ako ang private lawyer ni Wade," saad niya at nakipag kamay sa akin. "Uhm, ako po si Rosenda," pagpapakilala ko. "Yeah, I know you, palagi ka niyang bukang bibig at totoo ngang maganda ka. No wonder, nahulog ang loob sayo nitong si Wade," saad n
Last Updated : 2024-12-07 Read more