ROSENDA'S POV: Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin nito ni Wade, kanina pa kami bumyahe at mukhang napapalayo na rin kami. "Wag mo sabihing mag a-out of town tayo, may pasok ka pa bukas sa school at saka sa Hotel," paalala ko sa kanya. "Hindi noh, malapit na tayo," saad niya sa akin at maya-maya ay inihinto niya na ang sasakyan. "Uhm, Wade, hindi naman ito restaurant, ang sabi mo sa akin ay dinner, hindi tuloy ako kumain, nagugutom na ako," saad ko sa kanya. "May pagkain sa loob, at saka akong bahala sayo," saad niya sa akin at saka ako inalalayang bumaba ng kotse. Pagpasok namin ay may restaurant sa loob at napakaganda ng lugar, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. "Greetings! Good evening Mr. And Mrs. Suarez, this way please," saad ng crew at dinala kami palabas ng restaurant. Hala, akala ko doon na kasi nagugutom na ako pero bakit lumabas kami? Nagulat naman ako ng biglang piniringan ni Wade ang mata ko."Babypie, hindi ka nakakatuwa, pag ako talaga pinagti-trip
Huling Na-update : 2025-01-01 Magbasa pa