Sumingkit ang mga mata ni Lysander na nagpakita ng komplikadong emosyon, kasabay ng mabigat niyang buntong-hininga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kalakas si Lizzy.Kahit sa mga ganitong pagkakataon, ayaw pa rin ba nitong umasa sa kanya? O dahil ba wala itong tiwala? O baka naman dahil hindi siya nito mahal, kaya ayaw nitong masangkot nang masyado?"Kung hindi gano'n, paano mo lulutasin ang problema?"Sa narinig na himig ng pagkadismaya, bahagyang nanginig si Lizzy. Nakatitig ito sa kanyang mga paa at pagod na ipinaliwanag, "Alam kong naging padalos-dalos na naman ako. Halos nagdulot pa ako ng problema saiyo, Lysander, pero kaibigan ko si Ericka. Hindi ko siya kayang pabayaan."Lalong sumimangot si Lysander.Sa driver's seat, mabilis na sumingit si Roj, "Ma'am, hindi iyon ang ibig sabihin ni Sir. Talagang nag-aalala lang siya kaya nagmadali siyang bumalik."Bahagyang tumango si Lizzy, magalang na nagsalita, "Naiintindihan ko. Pero sisiguraduhin ko na anumang gawin ko sa hin
Last Updated : 2025-02-01 Read more