Patuloy na naglilinis ang kanilang nanay habang bumubulong, "hindi ko alam kung epektibo pa rin itong gamot na 'to. Mas maganda sana kung makakapag-opera ako. Maoperahan na lang agad si Freya."Nakahiga si Freya sa kama, hawak ang isa sa mga kamay ni Eys na parang ayaw umalis ng kaniyang kapatid. "Ate, gumastos ba ako nang malaki ulit?""Hindi," agad niyang sagot."Sus, sigurado ako sa nagastos niyo sa 'kin 'no. Sorry, ate, sorry, mama."Ipinatong ni Eys ang gamot sa drawer at itinaas ni Freya ang isang braso upang takpan ang kanyang mga mata. "Ate, alam mo ba kung sino ang nakita ko sa restaurant no'ng araw na 'yon?""'Yong kumain tayo sa labas? Sino?"Parang may bumikig sa boses ni Freya bago ito makapagsalita, "'yong kaedad ko, na na secret crush ko rin noon tas class monitor ng katabing klase. Nakita niya ang lahat nang nangyari sa 'kin, sa sakit ko, at sabi ng girlfriend niya... napakanakakadiri 'ko."Sa narinig na iyon ni Eys ay nawawasak ang puso niya para sa kapatid at labis si
Huling Na-update : 2024-11-21 Magbasa pa