All Chapters of Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back: Chapter 41 - Chapter 50

76 Chapters

Kabanata 41

Nakaupo si Juanda sa kandungan ni Miguel. Tinutok niya ang mga mata niya sa lalaki kahit na namumugto ito dahil sa pag-iyak. Ginagamit niya ang kaniyang mga luha para ipakita ang kaniyang kahinaan. Ganoon ang ginagawa niya tuwing nagkakaroon sila ng away na dalawa."Miguel, nagkamali ako."Patuloy na dumadaloy ang mga luha ni Juanda, basang-basa na ang mukha niya habang nakatingin kay Miguel. "Huwag mo nang gawin ito sa akin."Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ang boses niya ay garagal at parang naiipit. Talaga namang nasasaktan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Miguel.Natahimik si Miguel nang ilang sandali habang pinagmamasdan siya. Seryoso itong tumitingin sa kaniya habang hinahawakan ang baba niya. Sa madilim na bahagi ng bar, masuyo at dahan-dahang pinunasan ni Miguel ang mga luha sa mukha ni Juanda gamit ang panyo. "Forget it."Bakit pa kasi nag-aalala pa rin ito kay Mayumi? Sino ba ito sa lalaki? Wala naman iyong silbi!Ang mga mata ni Juanda ay namumugto pa rin, at bah
last updateLast Updated : 2025-01-05
Read more

Kabanata 42

Hindi na mahalaga kay Mayumi kung magdi-divorce sila o hindi. Parang wala naman talagang malaking pagkakaiba kung maghihiwalay sila ngayon o kahit matapos pa ang dalawang taon ayon sa kontrata. Maliban na lang na kailangan niyang humanap ng ibang paraan para masuportahan ang mataas na gastusin ng kanyang ina sa ospital. Bukod doon, wala nang ibang pagbabago ang mangyayari pa.Nag-isip si Mayumi nang seryoso at tapat na tiningnan si Miguel."Kung iyon ang gusto mo, madali lang naman sa aking gawin iyon."Makiki-cooperate naman siya nang walang kondisyon para lamang matapos nang maaga ang kontrata, basta’t bayaran siya ni Miguel ng kaukulang liquidated damages ayon sa mga kondisyon ng kontrata.Napansin ni Mayumi na nang sabihin niya iyon, parang mas lalo lamang sumama ang mukha ni Miguel. Tahimik ito at hindi nagsasalita, sobrang dilim din ng ekspresyon nito. Hindi ba nito nagustuhan na binuksan niya ang usaping iyon?Hindi talaga maintindihan ni Mayumi ang ugali ni Miguel, minsan masa
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Kabanata 43

Hindi natuwa si Miguel nang marinig ang sinabi ni Mayumi. Dapat hindi na lang siya nagsalita nang marami. Kung marami pa siyang sinabi, baka magmukha siyang nagmamalasakit sa kaniyang kaharap. Natahimik si Miguel nang ilang segundo, pagkatapos ay napataas siya ng kilay at ngumiti nang malamig kay Mayumi."Sana nga, maging ganoon ka kalaya sa lahat ng bagay, Secretary Romero."Marami nang mga nakilalang mga babae si Miguel na hindi marunong maghusga ng tao.Mayroon siyang pinsang babae na isa ring mayaman na umiibig sa isang binatang lalaki na nagmula sa mahirap na pamilya. Hinabol ito ng pinsan niya nang maraming taon. Binigyan din ng lahat ng pangangailangan—pagkain, inumin, at lahat. Masasabi na ang buong puso at kaluluwa nito ay ibinuhos lamang sa isang lalaki. Pero sa huli, hindi rin naman ito minahal ng lalaki.Nang nakaya na ng lalaki na tumayo sa mga paa nito, tinaboy na nito ang kaniyang pinsan na walang kalaban-laban matapos pagkakitaan ng pera.Natatandaan niya na pumunta pa
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

Kabanata 44

Alam ni Mayumi na nagulat niya ang nars sa ospital na tinawagan siya dahil sa bayolente niyang tono matapos marinig ang binalita nito sa kaniya. Kilala siya nito bilang isang tahimik at mahinahong babae na kailanman ay hindi pa nagtataas ng boses.“Nakita ko po si Mrs. Clarita de la Cruz-Romero na dumating at may dalang bulaklak. Hindi naman siya mukhang masamang tao at sinabi rin niya na matagal na siyang kaibigan ni Mrs. Martha kaya pinapasok ko siya,” nanginginig na sabi ng nars kay Mayumi sa kabilang linya.Nagalit si Mayumi at medyo nahirapan siyang mag-isip nang maayos dahil sa narinig. Bihira siyang magpakita ng galit na ekspresyon sa nakakausap."Kung bibisita siya ulit, pakisabihan na lang siyang umalis."Huminga nang maluwag ang nars, "Sige, Miss Romero. Pasensya na."Pinutol ni Mayumi ang tawag, pero hindi pa rin nawawala ang galit niya. Medyo nahirapan siyang ikalma ang sarili. Nagsimula siyang mag-isip kung ano ang dahilan ng pagbisita ng ginang na iyon sa kaniyang ina.Hi
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

Kabanata 45

Medyo nanginginig na si Mayumi sa lamig, kung kaya't mahigpit niyang tinakpan ng shawl ang kaniyang balikat. Naghanap siya ng sulok sa bulwagang iyon na hindi masyado matao, at humingi ng isang basong tubig mula sa waiter.Ang auction dinner ay parang isang night light, punong-puno ito ng kasiglahan at ingay. Nakita ni Mayumi ang mga kilalang tao sa buong Luzon. Kitang-kita niya rin ang pagiging prominenteng tao ni Juanda. Kilalang tao na talaga ito.Sa totoo lang, nagsimula rin si Mayumi sa jewelry design katulad ng kaniyang kapatid. Ilang beses na rin siyang pinili ng kaniyang guro para sumali sa mga kompetisyon tuwing bakasyon noong unang taon niya sa kolehiyo. Nasa parehong baitang sila noon ni Juanda na parehong galing sa parehong paaralan at kolehiyo, ngunit magkaibang klase sila at magkaiba ring guro.Tuwing may design competition, may mga bagong mukha na nagpapakita ng kahusayan sa pagdesinyo at kabilang na silang dalawa roon. Noong taon na iyon, bago isumite ni Mayumi ang kan
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

Kabanata 46

Hindi pinansin ni Mayumi si Miguel. Kahit na ilang pares na ng mga mata ang nakatingin sa kaniya ngayon, nanatili silang kalmado.Puno ng poot na pinagmasdan ni Mayumi ang ina ni Juanda. Nasa mid-forties na ang ginang pero nagmumukha itong bata. Hindi naman ito kagandahan subalit medyo maamo ang mukha nito’t nakakahalina na dahilan para hindi mangamba ang mga tao sa paligid nito.Biglang naalala ni Mayumi noong una niyang nakilala ito. Kasama niya noon ang kaniyang ina sa ward kung saan ito nakaratay, hindi niya alam kung mabubuhay pa ba ang kaniyang ina ng mga sandaling iyon.Nasa labas ang kabit ng kaniyang ama at pinagmamasdan sila mula sa bintana na gawa sa glass.“Kaawa-awang bata,” plastik na wika nito.Halos lahat ng mga tao sa pamilya Arellano ay namatay. Ang kaniyang tiyuhin ay nabubulok sa kulongan dahil sa nga commercial crimes. Samantala, dinala naman si Mayumi ng kaniyang ama patungong Manila.Batid niya na ayaw naman talaga siyang akuin at kupkupin ng kaniyang ama subali
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more

Kabanata 47

Gusto-gusto ni Miguel ang talinong taglay ni Mayumi at ang paminsan-minsang kapilyahan nito. Tinitigan niya ang maamong mukha nito sa harap niya. Kahit pekeng ngiti lamang ang pinapakita nito sa kaniya, mas maganda pa rin ito kaysa sa karamihan ng mga tao na naroon."’Wag mo na lang siyang pansinin sa susunod," maikli niyang sabi kay Mayumi.Parang tinusok ng karayom ang puso ni Mayumi, pero kaya nitong balewalain ang sakit. Unti-unti itong tumigil sa pagngiti at nagbiro pa."Paano ko naman iinisin ang ginang na iyon, Miguel? Siya nga itong gumawa ng gulo."Kalmado lang na tinaas ni Miguel ang kaniyang kilay."Hindi ka ba puwedeng umiwas?""Ayaw niya sa akin at gusto niya akong saktan. Kahit umiwas pa ako, hahanapin niya ako," sabi ni Mayumi. Masuyong kinuha ni Mayumi ang braso ni Miguel at ngumiti ulit, "Bakit hindi mo sabihin sa kaniya na kasal lang naman tayo sa papel? Baka sakaling maawa siya at tigilan ako."Mahaba ang sinabi ni Mayumi si kaniya dahilan ng kaniyang pagtahimik. Si
last updateLast Updated : 2025-01-10
Read more

Kabanata 48

Naintindihan ni Mayumi ang gustong sabihing mensahe ni Miguel."Huwag mong banggitin ang salitang pagmamahal," iyan ang payo sa kaniya ni Miguel. Ito rin naman ang kasunduan sa pagitan nilang dalawaPakiramdam ni Mayumi, sanay na sanay na siya maging isang aktres na kayang itago ang emosyon nang maayos at hindi nalalaman ninuman. Kahit punong-puno na ng bubog ang puso niya at tagos hanggang buto na ang sakit, mukha pa rin siyang kalmado at parang walang pakailam.Pilit siyang ngumiti sa harap ni Miguel, hindi pinapakita ang kahit kaunting lungkot."Nagbibiro lang naman ako."Binitiwan ni Mayumi ang kamay ni Miguel. "Ayaw mo pala iyon marinig, kaya hindi ko na ito uulitin."Hindi mawari ni Miguel kung anong kakaiba kay Mayumi ngayong gabi. Tinitigan ni Mayumi ang lalaki gamit ang ngiting sobrang mapang-akit pero tila may halong lungkot naman iyon. Pagkatapos ng ilang saglit, tinanong ni Miguel si Mayumi."Bakit ang ganda ng mood mo ngayong gabi?"Ngumiti si Mayumi nang matamis pero pe
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Kabanata 49

Nanatili pa si Carl sa harap nina Mayumi at Miguel. Puno ng panghahamak ang mga salita ni Carl kay Mayumi at ang bawat sinabi ng lalaki ay may halong pangmamaliit sa kaniyang asawa. Malamig lamang itong tiningnan ni Miguel."Bakit mo pinapakialaman ang buhay ko?" tanong ni Miguel sa lalaki.Hindi naman talaga ugali ni Carl ang makialam sa buhay ng iba. Wala rin itong interes, lalo na’t abala ito sa paghawak ng mga gawain ng sariling pamilya nitong mga nakaraang taon. Ngunit ngayon, napansin ni Miguel na tila naiba iyon.Sobrang lamig ng mukha ni Carl at ang mga mata nitong madilim ay hindi mawari ha0bang kaharap nila ito ni Mayumi."Naiintriga lang naman ako, masama ba.?"Ngumiti si Miguel at sumagot sa lalaki."Naiintriga ka pala sa ibang babae bukod kay Juanda?"Hindi naman lihim ang pagkagusto ni Carl kay Juanda. Matagal na itong alam ng lahat, kahit si Miguel. Noong panahong iyon, bata pa si Miguel at medyo pilyo. Hindi maitatangging minsan ay kinaiinisan din niya si Carl. Masya
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Kabanata 50

Nanigas si Mayumi. Hindi niya akalaing natatandaan pa ni Carl ang bagay na iyon.Lahat ng tao ay may kanya-kanyang paraan para makaraos. Kung hindi lang siya walang-wala at walang ibang opsyon, hindi siya pupunta sa Ye Se para magbenta ng alak bilang isang waitress.Mukhang wala namang pakialam si Miguel sa bagay na iyon. Alam ng lalaki kung bakit napilitan si Mayumi na magtrabaho sa Ye Se. Ang gastos sa pagpapagamot ng sakit ng ina ay isang bagay na hindi kakayanin ng isang estudyante.Hindi kailanman narinig ni Miguel na nabanggit ni Mayumi ang kaniyang ama. Kung wala naman siyang mabigat na dahilan, naisip ni Miguel na baka patay na ang ama niya.Napansin ni Carl ang tila kawalang interes ni Miguel at pakiramdam nito ay wala namang saysay ang usapan nila.Tama. Siguro nga, wala si Miguel pakialam. Hindi rin naman siguro talaga gusto ni Miguel si Mayumi.Nagsimulang sumakit muli ang ulo ni Carl. Sa totoo lang, matagal na nito itong tinitiis. Tuwing makikita nito ang mukha ni Mayumi,
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status