All Chapters of Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back: Chapter 61 - Chapter 70

76 Chapters

Kabanata 61

Hindi agad umuwi si Mayumi, kahit pa ramdam niya ang matinding pagod. Nagpara siya ng taxi at basta na lamang nagbigay ng isang address. Hindi pa naman huli, at bukas pa ang ilang tindahan sa mga ganitong oras tuwing weekend.Dumudugo ang sakong niya sa sakit mula sa kaniyang takong. Hinubad niya ang high heels at naglakad nang nakayapak sa kalsada. Bukod sa bahagyang lamig, hindi na siya gaanong nabahala.Nakahanap si Mayumi ng isang coffee shop. Um-order siya ng isang tasa ng kape at tumambay roon nang halos kalahating oras.Humingi siya ng hair band sa tindera. Bahagyang basa pa ang buhok niya, kaya itinali niya ito. Lumitaw ang malinis at mabango niyang mukha, at lalo pang naging maputi ang kutis niya, habang pulang-pula ang kaniyang mga labi.Nanatili si Mayumi sa coffee shop hanggang halos magsara na ito. Isinuot niya muli ang sapatos at nagpasya nang umalis.Tumawag si Miguel. Pinagmasdan niya ang screen ng cellphone bigla na lamang nagliwanag, at hinintay hanggang maputol ang
last updateLast Updated : 2025-01-21
Read more

Kabanata 62

Tama si Miguel. Sa trabaho, ang lalaki lang ang boss ni Mayumi, kaya ito pa rin ang may huling desisyon sa lahat ng bagay na may kinalaman sa trabaho. Pagkatapos ng trabaho, sa kontratang kasal nila na may pisikal na relasyon ngunit walang pagmamahal, ito pa rin ang kagalang-galang na partido, at ito pa rin ang may huling desisyon sa lahat ng bagay.Walang magawa si Mayumi kung ‘di sumunod at huwag na lang tumutol.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at paa, at nanginginig ang kaniyang katawan sa lamig. Tumango na lang si Miguel sa kaniyang asawa."Tama ka, Mr. Lopez,” aniya at pagkatapos ay nagsalita siya nang walang emosyon, "Sige, nakikipag-date nga ako sa ibang lalaki. Kung hindi ito okay, hindi ko na uulitin sa susunod."Ayaw na ayaw ni Miguel ang ganoong walang pakialam na ekspresyon ni Mayumi kaya nagsalita ulit ito. "Mayumi, hindi ako isang pilantropo."Tumango si Mayumi at sinabing naiintindihan niya ang bagay na iyon. Isang walang awang kapitalista si Miguel. Lagi itong may l
last updateLast Updated : 2025-01-22
Read more

Kabanata 63

Minsan ay naiinis si Mayumi sa mahina niyang pangangatawan. Kaunting ambon lang ay nagdulot na ng mataas na lagnat sa kaniya.Hindi siya nakatulog nang maayos, napakarami niyang panaginip sa kalagitnaan ng gabi, at pakiramdam niya'y mainit na mainit ang buong katawan niya. Balot na balot siya ng pawis.Sinubukan niyang itulak pababa ang makapal na kumot na nakabalot sa kaniya, ngunit may pumipigil sa kaniyang mga kamay at paa. Basa ng pawis ang kaniyang ulo. Ilang beses siyang nagpumiglas ngunit nanatili siyang balot na balot sa kumot.Pakiramdam niya'y sobrang hirap huminga."Ang init-init ko."Hindi niya narinig ang sinasabi ng lalaking nasa tabi niya. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan na siyang nakatulog nang mahimbing.Nagising si Mayumi kinabukasan nang umaga, pakiramdam niya'y malagkit at hindi komportable ang katawan niya. Napakarami niyang pawis kagabi, kaya’t hindi na ganon kalabo at masakit ang kaniyang ulo.Mas maagang nagising si Miguel kaysa sa kaniya. Nakaayos na ito
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Kabanata 64

Ngayong umaga, sumakay si Mayumi gamit ang sasakyan ni Mr. Lopez papunta sa trabaho, at mabilis itong kumalat sa lahat ng departamento ng kompanya. Pati ang balitang si Mr. Lopez mismo ang nag-imbita kay Mayumi na sumakay sa espesyal na elevator ng presidente kaninang umaga ay mabilis ding kumalat.May mga nagsasabi na may espesyal na relasyon sina Mayumi at Mr. Lopez. Pero palaging propesyonal si Mr. Lopez sa trabaho at hindi nito hinahalo ang personal na damdamin sa kompanya. Kilala itong malamig at walang kinikilingan.Wala talaga sa plano ni Mayumi ang pumasok sa trabaho kaninang umaga. Matapos tapusin ang ilang email at kumpirmahin ang iskedyul ni Miguel para sa susunod na mga araw, nakatulala siya sa kaniyang mesa.Pinilit siya ni Miguel na uminom ng gamot para sa sipon kaninang umaga, at alam naman ng lahat na nakakaantok ang epekto ng ganoong gamot.Ayaw niyang makatulog sa opisina, kaya pumunta siya sa banyo. Bago siya lumabas ng cubicle, narinig niya ang mga yabag ng mga pap
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Kabanata 65

Yumuko si Mayumi at napatango na lang. Naunawaan niyang mahalaga ang pagmamahal. Huwag niya lang talaga asahan ang mga bagay na hindi dapat asahan kay Miguel.Sa totoo lang, halos hindi na napigilan ni Mayumi at muntik na niyang buksan ang puso niya sa lalaki. Noong una silang nagpakasal, siya ay medyo inosente pa. Madali siyang nahulog sa kabaitan ni Miguel.Inalagaan siya ni Miguel sa halos lahat ng aspeto at binigyan siya ng espesyal na atensyon sa bawat bagay.Ipinag-drive siya ni Miguel mula sa paupahan papunta sa villa nito at tinulungan siyang maglipat. Noong mga panahong iyon, kaka-graduate lang niya mula sa kolehiyo at may mga ilang problema pa siya sa paaralan na hindi pa natutukoy.Si Miguel ang tumulong sa kaniya na ayusin ang mga kailangan sa paaralan. Sinabi nito sa kaniya na huwag siyang matakot at ito na ang magdadala sa kaniya sa ospital.Pati na rin sa dilim ng gabi, sa kama nito, minsan hindi na kayang kontrolin ang kanilang mga galak. Pinipigilan niyang mapaiyak, a
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Kabanata 66

Sa daan papuntang airport, nakaramdam ng antok si Mayumi. Sumandal siya sa bintana ng kotse at nagsara ng mata para matulog.Nang magising siya, napansin niyang ang ulo niya ay nakasandal na sa balikat ni Miguel.Nakarating na sila sa airport. Dinala siya ni Miguel papunta sa first-class lounge noong parang malabo pa ang kanyang mga mata. Nag-order ito ng dalawang pagkain para sa kanilang dalawa.Medyo gutom nga si Mayumi, pero kahit hindi siya mahilig sa Chinese food, hindi na siya nagsalita.Alam ni Miguel na hindi siya gaanong magaling gumamit chopsticks, kaya itinulak nito ang portion na tinadtad nito papunta sa harapan niya."Kumain ka na."Mahinang nagpasalamat si Mayumi. Walang ibang tao sa lounge. Matapos kumain nang mabilis na tanghalian, malapit nang mag-check in.Hawak ni Miguel ang lahat ng dokumento ni Mayumi, pati na ang kanilang marriage certificate. Nandiyan lang iyon at ilang beses lang siyang lumingon dito bago ito itinago ni Miguel sa drawer ng kaniyang study para m
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Kabanata 67

“You are a good secretary,” purong papuri ni Benedict Zubiri kay Mayumi, at kitang-kita naman ni Miguel na tapat ito sa sinasabi tungkol kay Mayumi.Magkaibigan sina Benedict at Miguel mula pa noong nag-aaral ang mga ito sa ibang bansa. Maganda ang relasyon ng mga ito sa isa't isa sa loob ng mga taon.Hindi naman ipagkakaila ni Miguel na talagang maganda si Mayumi. Pagkatapos magsalita ni Benedict nang maayos, kinausap nito si Miguel tungkol sa negosyo."Madali lang ayusin ang kaso ng pamilya Romero, huwag kang mag-alala."Naagaw ang atensyon ni Mayumi nang marinig niya ang pangalan ng pamilya niya. Hindi niya alam kung ang pamilya Romero ba na tinutukoy ni Benedict Zubiri ay ang pamilya ng kaniyang ama. Pero hindi yata alam ni Miguel ang tungkol sa pangalawang Romero na nangangailangan ng tulong nito."Salamat sa tulong mo.""Walang anuman."May kasama ring dalaga si Benedict na mukhang kasing edad ni Mayumi. Ipinakilala ito ni Benedict sa kanilang dalawa ni Miguel."Ito nga pala ang
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Kabanata 68

Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

Kabanata 69

Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Kabanata 70

Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status