Tintin POV Maya-maya pa ay pumasok na rin sa kusina si Andrew. Makahulugan ang tingin nito sa akin na mukhang hindi pa siya tapos sa huling usapan namin. Ako ang unang nagbawi ng tingin at itinuloy ang pagkain ng sinukmani. “Kape?” alok ni itay kay Andrew nang sumunod ito sa kusina. “Sige po.” sagot ni Andrew. Nilingon ako ni itay. “O Tintin ikuha mo nga ng kape areng boyfriend mo.” utos nito. Tumayo agad ako upang sumunod. “Baka hindi ka makatulog Andrew, hindi ka yata sanay magkape sa gabi. Dito naman sa Batangas eh parang tubig na namin ang kape, hindi kami nakakatulog kapag hindi kami nakakainom.” “Sanay na ho ako, laging puyatan ang trabaho namin.” tugon ni Andrew. Nakaupo na ito sa tabi ng silya ko, at saka ko inilapag ng kape sa tapat nya. “Kape mo.” wika ko. “Tintin, masanay ka nang pinagsisilbihan yang si Andrew, mamamanhikan na bukas ang pamilya nya, ibig sabihin malapit na kayong maging mag-asawa kaya pag-aralan mo nang inaasikaso yang nobyo mo, hindi yang
Huling Na-update : 2024-12-03 Magbasa pa