Andrea “Kuya Neil. Kahit po hindi na kayo tumambay rito mamaya pa ang labas ko baka maiinip lang kayo mag-antay sa ‘kin,” “Bilin po ni Sir Martinez. H'wag daw kami umalis ma'am, Andrea. Ayaw namin masabon at lalong mawalan ng trabaho,” kakamot kamot sa ulo niya si kuya Neil. “Ah ok kuya Neil. Kayo po ang bahala. Sige po ako'y papasok na,” paalam ko na lang at hindi ko rin naman makumbinsi ang dalawa. Kahit pa anong sabihin ko sa kanila. Kay bilis ng araw. Pasukan ulit at si Olivia tila lumala ang lagay sa rehab center. Kaya hindi ito mailipat sa bilibid dahil sa kalagayan nito. Missing in action si Erica, hanggang ngayon ay wala pa yatang balak makita ang mommy nito. Kahit na pumunta kami ni dad, sa dati nilang lugar kung sakaling maligaw kung gusto lang nito makita ang kalagayan ng mommy niya. Subalit wala, hindi talaga nagpakita si Erica. Ewan nga kung nasa abroad ba ito kasi sabi rati ni Olivia. Nagtri-training si Erica. Noong tanungin naman namin sa dati nilang tinirahan wala
Last Updated : 2025-03-30 Read more